Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tularan ang Pananampalataya ni Moises
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • 1, 2. (a) Sa edad na 40, anong desisyon ang ginawa ni Moises? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Bakit pinili ni Moises na maging isang alipin kasama ng bayan ng Diyos?

      ALAM ni Moises kung ano ang maibibigay ng Ehipto. Nakita niya ang naglalakihang bahay ng mayayaman. Kabilang siya sa sambahayan ng hari. “Tinuruan [siya] sa lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo,” marahil kasali na ang sining, astronomiya, matematika, at iba pang kaalaman. (Gawa 7:22) Abot-kamay niya noon ang kayamanan, kapangyarihan, at pribilehiyong sa pangarap lang makakamit ng isang karaniwang Ehipsiyo!

      2 Pero noong 40 anyos na si Moises, gumawa siya ng desisyong malamang na ikinagulat ng maharlikang pamilya ng Ehipto na umampon sa kaniya. Pinili niya ang isang buhay na mas mababa pa kaysa sa “normal” na buhay ng karaniwang Ehipsiyo. Pinili niyang maging isang alipin! Bakit? Dahil may pananampalataya siya. (Basahin ang Hebreo 11:24-26.) Sa pamamagitan nito, hindi lang pisikal na mga bagay ang nakita ni Moises. Bilang taong espirituwal, nanampalataya siya sa “Isa na di-nakikita,” si Jehova, at sa katuparan ng mga pangako ng Diyos.​—Heb. 11:27.

  • Tularan ang Pananampalataya ni Moises
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • 6. (a) Bakit tumanggi si Moises na “tawaging anak ng anak na babae ni Paraon”? (b) Sa palagay mo, bakit tama ang desisyon ni Moises?

      6 Ang pananampalataya ni Moises ay nakaapekto rin sa pagpili niya ng landasin sa buhay. “Sa pananampalataya si Moises, nang malaki na, ay tumanggi na tawaging anak ng anak na babae ni Paraon.” (Heb. 11:24) Hindi nangatuwiran si Moises na puwede naman niyang paglingkuran ang Diyos bilang miyembro ng maharlikang korte at gamitin ang kaniyang kayamanan at kapangyarihan para tulungan ang kaniyang mga kapuwa Israelita. Sa halip, determinado siyang ibigin si Jehova nang buong puso, kaluluwa, at lakas. (Deut. 6:5) Mabuti na lang at gayon ang naging desisyon ni Moises. Di-nagtagal, marami sa kayamanang tinalikuran niya sa Ehipto ay sinamsam​—ng mga Israelita mismo! (Ex. 12:35, 36) Napahiya si Paraon at napuksa. (Awit 136:15) Pero kumusta si Moises? Ginamit siya ng Diyos para pangunahan at iligtas ang bansang Israel. Naging makabuluhan ang kaniyang buhay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share