Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tularan ang Pananampalataya ni Moises
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • 1, 2. (a) Sa edad na 40, anong desisyon ang ginawa ni Moises? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Bakit pinili ni Moises na maging isang alipin kasama ng bayan ng Diyos?

      ALAM ni Moises kung ano ang maibibigay ng Ehipto. Nakita niya ang naglalakihang bahay ng mayayaman. Kabilang siya sa sambahayan ng hari. “Tinuruan [siya] sa lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo,” marahil kasali na ang sining, astronomiya, matematika, at iba pang kaalaman. (Gawa 7:22) Abot-kamay niya noon ang kayamanan, kapangyarihan, at pribilehiyong sa pangarap lang makakamit ng isang karaniwang Ehipsiyo!

      2 Pero noong 40 anyos na si Moises, gumawa siya ng desisyong malamang na ikinagulat ng maharlikang pamilya ng Ehipto na umampon sa kaniya. Pinili niya ang isang buhay na mas mababa pa kaysa sa “normal” na buhay ng karaniwang Ehipsiyo. Pinili niyang maging isang alipin! Bakit? Dahil may pananampalataya siya. (Basahin ang Hebreo 11:24-26.) Sa pamamagitan nito, hindi lang pisikal na mga bagay ang nakita ni Moises. Bilang taong espirituwal, nanampalataya siya sa “Isa na di-nakikita,” si Jehova, at sa katuparan ng mga pangako ng Diyos.​—Heb. 11:27.

  • Tularan ang Pananampalataya ni Moises
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • 4. Ano ang naunawaan ni Moises tungkol sa “kasiyahan sa kasalanan”?

      4 Sa tulong ng pananampalataya, naunawaan ni Moises na pansamantala lang ang “kasiyahan sa kasalanan.” Ang iba ay baka nangatuwirang kahit palasak ang idolatriya at espiritismo sa Ehipto, naging kapangyarihang pandaigdig naman ito, samantalang ang bayan ni Jehova ay inaalipin! Gayunman, alam ni Moises na kayang baguhin ng Diyos ang sitwasyon. Mukha mang nagtatagumpay ang mga nagpapakasasa sa kasalanan, nanampalataya si Moises na mapupuksa sila. Kaya hindi siya naakit ng “pansamantalang kasiyahan sa kasalanan.”

      5. Ano ang tutulong sa atin na tanggihan ang “pansamantalang kasiyahan sa kasalanan”?

      5 Paano mo matatanggihan ang “pansamantalang kasiyahan sa kasalanan”? Tandaan na pansamantala lang ang kalugurang dulot ng kasalanan. Sa tulong ng mga mata ng pananampalataya, makikita mong “ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito.” (1 Juan 2:15-17) Pag-isipan ang kahihinatnan ng mga makasalanang di-nagsisisi. Sila ay nasa ‘madulas na dako at sasapit sa kanilang katapusan!’ (Awit 73:18, 19) Kapag natutuksong gumawa ng kasalanan, tanungin ang sarili, ‘Ano bang kinabukasan ang gusto ko?’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share