Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Sanlibutan ay Hindi Karapat-dapat sa Kanila
    Ang Bantayan—1987 | Enero 15
    • 13. (a) “Mga pagkalibak at mga hagupit” ang dinanas nino? (b) Sino ang dumanas ng “mga tanikala at bilangguan”?

      13 Kung tayo’y may pananampalataya, tayo ay makapagtitiis ng pag-uusig. (Basahin ang Hebreo 11:36-38.) Pagka tayo’y pinag-uusig, makatutulong na alalahanin ang pag-asa sa pagkabuhay-muli at tantuin na tayo ay mapalalakas ng Diyos gaya ng ginawa niya sa “mga iba [na] sinubok [o, dumaan sa pagsubok ng pananampalataya] sa pamamagitan ng mga pagkalibak at mga hagupit, oo, bukod dito’y sa pamamagitan ng mga tanikala at bilangguan.” Ang mga Israelita “ay patuloy na . . . nanlilibak sa kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Jehova ay bumangon laban sa kaniyang bayan.” (2 Cronica 36:15, 16) Sa pananampalataya, si Micheas, Eliseo, at iba pang mga lingkod ng Diyos ay nagtiis ng “mga pagkalibak.” (1 Hari 22:24; 2 Hari 2:23, 24; Awit 42:3) Ang ‘mga panghahagupit’ ay karaniwan na noong mga kaarawan ng mga hari at mga propeta sa Israel, at si Jeremias ay ‘hinagupit’ ng kaniyang mga kaaway, siya’y hindi lamang sinampal bilang pag-insulto. Ang “mga tanikala at bilangguan” ay nagpapagunita sa atin ng kaniyang mga karanasan at pati niyaong sa mga propetang sina Micheas at Hanani. (Jeremias 20:1, 2; 37:15; 1 Hari 12:11; 22:26, 27; 2 Cronica 16:7, 10) Dahilan sa pagkakaroon ng ganoon ding pananampalataya, ang modernong-panahong mga saksi ni Jehova ay nakapagtitiis din ng nakakatulad na mga pagdurusa “alang-alang sa katuwiran.”​—1 Pedro 3:14.

  • Ang Sanlibutan ay Hindi Karapat-dapat sa Kanila
    Ang Bantayan—1987 | Enero 15
    • 15. Sino ang tinampalasan at “nangaligaw sa mga ilang”?

      15 Ang iba’y “pinagpapatay sa tabak,” tulad halimbawa ng mga kasamahan ni Elias na mga propeta ng Diyos na “pinagpapatay sa tabak” noong mga kaarawan ng balakyot na si Haring Ahab. (1 Hari 19:9, 10) Si Elias at si Eliseo ay kabilang sa mga taong may pananampalataya na “nagsilakad na paroo’t parito na may balát ng mga tupa’t kambing, na mga salat, napipighati, tinatampalasan.” (1 Hari 19:5-8, 19; 2 Hari 1:8; 2:13; ihambing ang Jeremias 38:6.) Sa mga “nangaligaw sa mga ilang at sa mga bundok at sa mga yungib at sa mga lungga ng lupa” dahil sa pag-uusig ay kasali hindi lamang si Elias at si Eliseo kundi pati rin ang 100 mga propeta na itinago ni Obadias nang lima-limampu sa isang kuweba, at tinustusan sila ng tinapay at tubig nang ang idolatrosong Reyna Jezebel ay magsimula na ng “paglipol sa mga propeta ni Jehova.” (1 Hari 18:4, 13; 2 Hari 2:13; 6:13, 30, 31) Tunay silang mga tagapag-ingat ng katapatan! Hindi kataka-takang sabihin ni Pablo: “Ang sanlibutan [ang di-matuwid na lipunan ng tao] ay hindi karapat-dapat sa kanila”!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share