Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magpatotoo Ukol kay Jehova at Huwag Manghimagod
    Ang Bantayan—1989 | Disyembre 15
    • 8. (a) Ano ang nag-udyok kay Pablo na isulat ang kaniyang liham sa mga Hebreo? (b) Sa anong katangian ng kaniyang liham itututok natin ang ating pansin, at bakit?

      8 Noong humigit-kumulang 61 C.E., si Pablo ay ibinilanggo sa Roma, ngunit alam niya ang nangyayari sa kaniyang mga kapatid sa Jerusalem. Kaya naman, sa ilalim ng patnubay ng espiritu ni Jehova siya’y sumulat ng kaniyang napapanahong liham sa mga Hebreo. Ito ay puspos ng mapagmahal na pagkabahala sa kaniyang mga kapatid na Hebreo. Batid ni Pablo na sila’y nangangailangan na patibayin sa kanilang pananampalataya at pagtitiwala kay Jehova bilang kanilang Katulong. Kung magkagayo’y kanilang maaaring ‘takbuhin nang may pagtitiis ang takbuhan na nakaharap sa kanila’ at masasabi nang may pagtitiwala: “Si Jehova ang katulong ko; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?” (Hebreo 12:1; 13:6) Sa katangiang ito ng liham ni Pablo sa mga Hebreo (kabanata 11-13) ibig natin ngayong itutok ang ating pansin. Bakit? Sapagkat ang kalagayan na kinalagyan ng mga unang Kristiyanong iyon ang kaparehong kalagayan na nakaharap sa mga Saksi ni Jehova sa ngayon.

  • Magpatotoo Ukol kay Jehova at Huwag Manghimagod
    Ang Bantayan—1989 | Disyembre 15
    • 11. Papaano tayo sa ngayon makikinabang sa “napakakapal na ulap ng mga Saksi na nakapalibot sa atin”?

      11 Pagkatapos ng paglalahad tungkol sa tapat na mga lalaki at mga babaing ito, sinabi ni Pablo: “Kaya nga, yamang isang napakakapal na ulap ng mga saksi ang nakapalibot sa atin, iwaksi rin natin ang bawat pabigat at ang kasalanang madaling pumigil sa atin, at takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.” (Hebreo 12:1) Bagaman natutulog ngayon sa libingan, buhay ba sa ating isip ang ulirang tapat na mga saksing ito? Ikaw ba’y may sapat na kaalaman sa kanila at sa kanilang mga karanasan upang makasagot ka ng oo? Ito ang isa sa maraming kagantihan ng palagiang pag-aaral ng Bibliya, na ginagamit ang lahat ng ating mga pandamdam upang buhayin sa alaala ang nakapupukaw na mga karanasan ng “napakakapal na ulap ng mga saksi” na ito. Oo, sa pagsasapuso ng kanilang tapat na halimbawa ay matutulungan tayong mainam na daigin ang anumang kakulangan ng pananampalataya. Sa kabilang panig, ito’y tutulong sa atin na magbigay ng isang matapang at walang-takot na pagpapatotoo sa katotohanan sa ilalim ng lahat ng kalagayan.​—Roma 15:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share