-
Ang Disiplina na Makapagbubunga ng Bungang MapayapaAng Bantayan—1988 | Abril 15
-
-
“Walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakapagpapaligaya, kundi nakapagpapalungkot; subalit pagkatapos, sa mga nasanay na ay namumunga ng bungang mapayapa.”—HEBREO 12:11.
1, 2. (a) Sang-ayon sa Hebreo 12:9-11, ano ang mapagmahal na inilalaan ng Diyos? (b) Ano ang isang halimbawa ng disiplina, at ano ang maaaring maging resulta nito?
GUNITAIN mo ang mga araw ng iyong pagkabata. Naalaala mo pa ba nang dinidisiplina ka ng iyong mga magulang? Karamihan sa atin ang nakakaalaala pa nito. Ginamit iyan ni apostol Pablo bilang paghahalimbawa nang banggitin niya ang tungkol sa disiplinang nanggagaling sa Diyos, na mababasa natin sa Hebreo 12:9-11.
2 Ang makaamang disiplina ng Diyos, na maaaring makaapekto sa ating espirituwal na buhay, ay maaaring may sarisaring anyo. Isa na rito ang kaniyang kaayusan na alisin sa kongregasyong Kristiyano ang isa na ayaw mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos, o tumatangging gawin ang gayon. Ang isang tao na sa ganoo’y nilalapatan ng matinding parusa o disiplina ay baka magsisi at magbalik-loob. Dito ang kongregasyon ng mga tapat ay nadidisiplina rin yamang kanilang napapag-alaman ang kahalagahan ng pagsunod sa matataas na pamantayan ng Diyos.—1 Timoteo 1:20.
-
-
Ang Disiplina na Makapagbubunga ng Bungang MapayapaAng Bantayan—1988 | Abril 15
-
-
Bakit ang Matatag ma Paninindigang Ito?
4. Ano manaka-naka ang nangyayari sa mga ilan na nasa kongregasyon? (Galacia 6:1; Judas 23)
4 Karamihan ng mga tunay na Kristiyano ay tapat na mga nagtataguyod sa Diyos at sa kaniyang matuwid na mga kautusan. (1 Tesalonica 1:2-7; Hebreo 6:10) Subalit, manaka-naka, ang isang tao ay lumilihis sa landas ng katotohanan. Halimbawa, sa kabila ng pagtulong ng mga Kristiyanong hinirang na matatanda, baka siya’y lumalabag sa mga kautusan ng Diyos at hindi niya pinagsisisihan iyon. O kaya naman ay baka itinatakwil niya ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo ng doktrina na walang katotohanan o ng paghihiwalay ng kaniyang sarili sa kongregasyon. Ano ngayon ang dapat na gawin? Ang ganiyang mga bagay ay naganap noong kahit na buháy pa ang mga apostol; kaya, tingnan natin kung ano ang kanilang isinulat tungkol dito.
5, 6. (a) Mayroon tayong anong matalinong payo tungkol sa pakikitungo sa mga taong nagkakasala nang mabigat at hindi nagsisisi? (Mateo 18:17) (b) Anong mga tanong ang napapaharap sa atin?
5 Nang isang tao sa Corinto ang nahulog sa imoralidad at hindi nagsisi, sinabi ni Pablo sa kongregasyon: “Huwag kayong makisama sa kaninumang tinatawag na kapatid kung siya’y mapakiapid o masakim o mananamba sa diyus-diyosan o mapagtungayaw o lasenggo o mangingikil, sa gayo’y huwag man lamang kayo makisalo sa pagkain sa ganoong tao.” (1 Corinto 5:11-13) Ganiyan din ang dapat gawin kung tungkol sa mga apostata, tulad ni Himeneo: “Ang taong nagtatatag ng isang sekta, pagkatapos ng una at ikalawang pagsaway ay tanggihan mo; yamang nalalaman mo na ang gayong tao ay lumihis na ng daan at nagkakasala.” (Tito 3:10, 11; 1 Timoteo 1:19, 20) Ang gayong pagtanggi ay angkop din naman para sa sinumang nagtatakwil sa kongregasyon: “Sila’y nagsihiwalay sa atin, ngunit sila’y hindi natin kauri; sapagkat kung sila’y kauri natin, sana’y nanatili silang kasama natin. Ngunit sila’y nagsihiwalay upang mahayag na hindi lahat ay kauri natin.”—1 Juan 2:18, 19.
6 Inaasahan na ang gayong tao ay magsisisi upang siya’y tanggaping muli. (Gawa 3:19) Subalit samantala, maaari bang ang mga Kristiyano ay magkaroon ng limitadong pakikisama sa kaniya, o kailangang tuluyang huwag makisama sa kaniya? At kung gayon, bakit?
-