Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Alalahanin Ninyo ang mga Nangunguna sa Inyo”
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • KUNG BAKIT DAPAT ‘ALALAHANIN ANG MGA NANGUNGUNA’

      9 Maraming dahilan para ‘alalahanin natin ang mga nangunguna’ at ipakitang nagtitiwala tayo sa kanila. Paano tayo makikinabang dito? Sinabi ni apostol Pablo: “Patuloy nila kayong binabantayan na isinasaisip na mananagot sila, para magawa nila ito nang masaya at hindi nagbubuntonghininga, dahil makapipinsala ito sa inyo.” (Heb. 13:17) Napakahalagang sumunod at magpasakop sa tagubilin ng mga nangunguna dahil nagbabantay sila para maprotektahan tayo at manatiling malakas sa espirituwal.

      10 Sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 16:14: “Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang may pag-ibig.” Ang mga desisyong ginagawa para sa kapakanan ng bayan ng Diyos ay nakasalig sa pag-ibig. Tungkol sa katangiang ito, sinasabi ng 1 Corinto 13:4-8: “Ang pag-ibig ay matiisin at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Hindi ito nagyayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi inuuna ang sariling kapakanan, at hindi nagagalit. Hindi ito nagkikimkim ng sama ng loob. Hindi ito natutuwa sa kasamaan kundi nagsasaya sa katotohanan. Pinagpapasensiyahan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, at tinitiis ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.” Dahil salig sa pag-ibig ang lahat ng desisyong ginagawa ng mga nangunguna para sa mga lingkod ni Jehova, talagang makapagtitiwala tayo sa kanilang patnubay. Isa pa, repleksiyon ito ng pag-ibig ni Jehova.

      Napakahalagang magpasakop sa mga nangunguna dahil nagbabantay sila para manatili tayong malakas sa espirituwal

      11 Noong unang siglo, hindi perpekto ang mga lalaking ginagamit ni Jehova para manguna sa kaniyang bayan. Pero bago pa nito, gumamit na si Jehova ng hindi perpektong mga lalaki para maisakatuparan ang kaniyang kalooban. Gumawa si Noe ng arka at nangaral siya tungkol sa nalalapit na pagkapuksa noong panahon niya. (Gen. 6:13, 14, 22; 2 Ped. 2:5) Inatasan si Moises na pangunahan ang bayan ni Jehova sa paglabas sa Ehipto. (Ex. 3:10) Ginabayan ang hindi perpektong mga lalaki para isulat ang Bibliya. (2 Tim. 3:16; 2 Ped. 1:21) Kaya ang paggamit ni Jehova sa ngayon ng hindi perpektong mga lalaki para mangasiwa sa gawaing pangangaral at paggawa ng alagad ay hindi nagpapahina ng ating tiwala sa organisasyon ng Diyos. Sa halip, napapatibay tayo dahil alam natin na kung wala ang tulong ni Jehova, hinding-hindi maisasakatuparan ng organisasyon ang lahat ng naisasagawa nito. Sa lahat ng naranasan at pinagdaanan ng tapat na alipin, kitang-kita ang paggabay sa kanila ng espiritu ng Diyos. Saganang pagpapala ang ibinubuhos sa nakikitang bahagi ng organisasyon ni Jehova sa ngayon. Kaya naman buong-puso ang ating suporta at pagtitiwala rito.

  • “Alalahanin Ninyo ang mga Nangunguna sa Inyo”
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
    • 14 Ipinapakita rin nating nagtitiwala tayo sa organisasyon kung sinusuportahan natin ang mga desisyon nito. Kasama rito ang mapagpakumbabang pagsunod sa tagubilin ng mga inatasang tagapangasiwa, gaya ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder sa kongregasyon. Kabilang ang mga brother na ito sa “mga nangunguna,” kaya dapat tayong maging masunurin at mapagpasakop sa kanila. (Heb. 13:7, 17) Kahit hindi natin lubusang nauunawaan ang mga dahilan sa ilang desisyon, alam natin na ang pagsunod dito ay para sa ikabubuti natin. Pagpapalain tayo ni Jehova kapag sinusunod natin ang kaniyang Salita at organisasyon. Sa paggawa nito, naipapakita natin na nagpapasakop tayo sa ating Panginoon, si Jesu-Kristo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share