Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Gusto ni Jehova na maging kaibigan mo siya

      Sinabi ni Soten, isang babae na taga-Cambodia, na naging napakasaya niya nang malaman niya ang pangalan ng Diyos. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Ang Paghahanap Ko sa Tunay na Diyos (8:​18)

      Mga larawan: Eksena sa video na ‘Ang Paghahanap Ko sa Tunay na Diyos.’ 1. Si Soten na nakaupo sa ilalim ng isang puno sa kagubatan. Nakatingin siya sa langit habang nananalangin sa tunay na Diyos. 2. Itinuro ni Herold kay Soten ang pangalan ng Diyos na Jehova.
      • Ano ang naging epekto kay Soten nang malaman niya ang pangalan ng Diyos?

      Bago mo maging kaibigan ang isang tao, dapat na alam mo ang pangalan niya. Basahin ang Santiago 4:8a. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang gusto ni Jehova na gawin mo?

      • Bakit mas mapapalapít ka sa Diyos kung alam mo at ginagamit ang pangalan niya?

  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova

      Gusto ni Jehova na mas makilala mo siya. Bakit? Kasi umaasa siya na kapag alam mo ang mga katangian niya, pakikitungo niya sa mga tao, at ang layunin niya, mas gugustuhin mo siyang maging kaibigan. Pero puwede ka ba talagang maging kaibigan ng Diyos? (Basahin ang Awit 25:14.) Ano ang puwede mong gawin para maging kaibigan niya? Mababasa mo ang sagot sa Bibliya. Sinasabi nito kung bakit ang pinakamahalagang kaugnayan ay ang pakikipagkaibigan mo kay Jehova.

      1. Ano ang imbitasyon ni Jehova sa iyo?

      “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.” (Santiago 4:8) Ano ang ibig sabihin nito? Gusto ni Jehova na maging kaibigan ka niya. Nahihirapang maniwala diyan ang ilan kasi hindi nila siya nakikita. Pero makikita sa kaniyang Salita, ang Bibliya, ang lahat ng tungkol kay Jehova para maging malapít tayo sa kaniya. Kapag binabasa natin ang mensahe niya sa Bibliya, mas titibay ang pakikipagkaibigan natin kay Jehova kahit hindi natin siya nakikita.

      2. Bakit si Jehova ang pinakamabuting Kaibigan?

      Walang makakapantay sa pag-ibig ni Jehova sa iyo. Gusto niya na maging masaya ka. At gusto rin niya na lumapit ka sa kaniya kapag kailangan mo ng tulong. Puwede mong ‘ihagis sa kaniya ang lahat ng iyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa iyo.’ (1 Pedro 5:7) Laging handang sumuporta, magpatibay, at makinig si Jehova sa mga kaibigan niya.​—Basahin ang Awit 94:​18, 19.

      3. Ano ang gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya?

      Mahal ni Jehova ang lahat ng tao, “pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.” (Kawikaan 3:32) Gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya ang mga bagay na gusto niya at iwasan ang mga bagay na ayaw niya. Iniisip ng ilan na hindi nila kayang sundin ang lahat ng gusto ni Jehova. Pero maunawain si Jehova. Gusto niya na maging kaibigan ang mga nagmamahal sa kaniya at gumagawa ng makakaya nila para mapasaya siya.​—Awit 147:11; Gawa 10:​34, 35.

      PAG-ARALAN

      Alamin kung paano mo magiging kaibigan si Jehova at kung bakit siya ang pinakamabuting Kaibigan.

      4. Kaibigan ni Jehova si Abraham

      Sa ulat ng Bibliya tungkol kay Abraham (tinatawag ding Abram), magkakaideya tayo kung anong ibig sabihin ng pagiging kaibigan ng Diyos. Basahin ang Genesis 12:​1-4. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang ipinagawa ni Jehova kay Abraham?

      • Ano ang ipinangako ni Jehova sa kaniya?

      • Ano naman ang ginawa ni Abraham?

      5. Ang inaasahan ni Jehova sa mga kaibigan niya

      Madalas na may mga inaasahan tayo sa mga kaibigan natin.

      • Ano ang gusto mong gawin ng kaibigan mo para sa iyo?

      Basahin ang 1 Juan 5:3. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang inaasahan ni Jehova na gagawin ng mga kaibigan niya?

      Para masunod si Jehova, baka kailangan nating baguhin ang mga ugali natin at mga nakasanayan. Basahin ang Isaias 48:​17, 18. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit gusto ni Jehova na gumawa ng mga pagbabago ang mga kaibigan niya?

      Isang construction worker na nag-aabot ng helmet sa kaniyang katrabaho.

      Ipinapaalala ng isang mabuting kaibigan ang mga bagay na makakabuti sa iyo. Iyan din ang ginagawa ni Jehova sa mga kaibigan niya

      6. Ang ginagawa ni Jehova para sa mga kaibigan niya

      Tinutulungan ni Jehova ang mga kaibigan niya na makayanan ang mga problema. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Napakalaki ng Naitulong sa Akin ni Jehova (3:​20)

      • Paano tinulungan ni Jehova ang isang babae na mawala ang negatibong kaisipan at damdamin nito?

      Basahin ang Isaias 41:​10, 13. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang ipinangako ni Jehova na gagawin niya para sa lahat ng kaibigan niya?

      • Sa tingin mo, magiging mabuting Kaibigan mo kaya si Jehova? Bakit?

      Mga larawan: Malalapít na magkakaibigan na nagtutulungan sa isa’t isa. 1. Lalaking tumutulong sa isang kaibigan na ilipat ang isang mesa. 2. Babaeng nagsasabi ng kaniyang niloloob sa isang kaibigan. 3. Lalaking nakasaklay habang inaakay ng kaibigan niya.

      Handang tumulong sa iyo ang malalapít mong kaibigan. Tutulungan ka rin ni Jehova

      7. Makipag-usap at makinig kay Jehova para maging kaibigan niya

      Napapatibay ng komunikasyon ang pagkakaibigan. Basahin ang Awit 86:​6, 11. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Paano tayo nakikipag-usap kay Jehova?

      • Paano nakikipag-usap si Jehova sa atin?

      Mga larawan: 1. Babaeng nananalangin. May arrow na nakatutok pataas. 2. Babaeng nagbabasa ng Bibliya. May arrow na nakatutok pababa.

      Nakikipag-usap tayo kay Jehova sa panalangin; nakikipag-usap naman siya sa atin gamit ang Bibliya

      MAY NAGSASABI: “Imposibleng makipagkaibigan sa Diyos.”

      • Anong teksto ang gagamitin mo para ipakitang posible ito?

      SUMARYO

      Gusto kang maging kaibigan ni Jehova. At tutulungan ka niya para mapalapít ka sa kaniya.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Paano tinutulungan ni Jehova ang mga kaibigan niya?

      • Bakit gusto ni Jehova na gumawa ng pagbabago ang mga kaibigan niya?

      • Mahirap bang gawin ang inaasahan ni Jehova sa mga kaibigan niya? Bakit iyan ang sagot mo?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Paano binabago ng pakikipagkaibigan sa Diyos ang buhay mo?

      “Si Jehova​—Isang Diyos na Karapat-dapat Makilala” (Ang Bantayan, Pebrero 15, 2003)

      Alamin kung paano ka makikipagkaibigan sa Diyos.

      “Paano Ako Magiging Kaibigan ng Diyos?” (Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, kabanata 35)

      Alamin kung paano napabuti ang buhay ng isang babae dahil sa pakikipagkaibigan niya kay Jehova.

      “Takót Akong Mamatay!” (Ang Bantayan Blg. 1 2017)

      Pakinggan ang nadarama ng mga kabataan tungkol kay Jehova.

      Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Kaibigan ng Diyos? (1:46)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share