Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hinihiling ba ng Diyos na Ipagtapat Mo ang Iyong mga Kasalanan?
    Ang Bantayan—2010 | Setyembre 1
    • Makikita nating muli sa aklat ng Santiago ang nakapagpapatibay na sagot: “Mayroon bang sinumang may sakit sa inyo [sa espirituwal]? Tawagin niya ang matatandang lalaki ng kongregasyon, at ipanalangin nila siya, na pinapahiran siya ng langis sa pangalan ni Jehova. At ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa isa na may dinaramdam, at ibabangon siya ni Jehova. Gayundin, kung nakagawa siya ng mga kasalanan, ito ay ipatatawad sa kaniya.”​—Santiago 5:14, 15.

  • Hinihiling ba ng Diyos na Ipagtapat Mo ang Iyong mga Kasalanan?
    Ang Bantayan—2010 | Setyembre 1
    • Una, ang ‘pagpapahid ng langis.’ Tumutukoy ito sa kapangyarihang magpagaling ng Salita ng Diyos. Sinabi ni apostol Pablo na “ang salita ng Diyos ay buháy at may lakas . . . at may kakayahang umunawa ng mga kaisipan at mga intensiyon ng puso,” na tumatagos sa isip at puso ng isa. (Hebreo 4:12) Sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng Bibliya, matutulungan ng matatandang lalaki ang mga may sakit sa espirituwal na makita ang ugat ng problema at gumawa ng kinakailangang hakbang upang maituwid ang mga pagkakamali sa harap ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share