Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hinihiling ba ng Diyos na Ipagtapat Mo ang Iyong mga Kasalanan?
    Ang Bantayan—2010 | Setyembre 1
    • Makikita nating muli sa aklat ng Santiago ang nakapagpapatibay na sagot: “Mayroon bang sinumang may sakit sa inyo [sa espirituwal]? Tawagin niya ang matatandang lalaki ng kongregasyon, at ipanalangin nila siya, na pinapahiran siya ng langis sa pangalan ni Jehova. At ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa isa na may dinaramdam, at ibabangon siya ni Jehova. Gayundin, kung nakagawa siya ng mga kasalanan, ito ay ipatatawad sa kaniya.”​—Santiago 5:14, 15.

      May papel muling gagampanan ang matatandang lalaki, o mga elder, sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng kongregasyon. Ano ang dapat nilang gawin? Hindi sila basta makikinig sa ipinagtatapat na kasalanan. Sa halip, dahil may sakit sa espirituwal ang isa, higit pa ang kailangan nilang gawin para ‘mapagaling ang isa na may dinaramdam.’ Dalawang bagay ang binanggit ni Santiago.

  • Hinihiling ba ng Diyos na Ipagtapat Mo ang Iyong mga Kasalanan?
    Ang Bantayan—2010 | Setyembre 1
    • Ang ikalawa ay ang “panalangin ng pananampalataya.” Bagaman hindi mababago ng mga panalangin ng matatandang lalaki ang paglalapat ng Diyos ng katarungan, mahalaga ang mga panalanging ito sa Diyos na sabik magpatawad ng kasalanan salig sa haing pantubos ni Kristo. (1 Juan 2:2) Handa ang Diyos na tulungan ang sinumang makasalanan na tunay na nagsisisi at gumagawa ng “mga gawang angkop sa pagsisisi.”​—Gawa 26:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share