Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw ba ay may Pananampalatayang Tulad ng kay Elias?
    Ang Bantayan—1992 | Abril 1
    • Gunigunihin ang taong ito, nakadamit-balahibo na pambukid. Siya ay tubo sa baku-bakong kaburulan ng Gilead, malamang na lumaki siya sa gitna ng mga abang nagpapastol sa kawan. Siya’y nakatayo sa harap ng makapangyarihang haring si Ahab, marahil doon mismo sa kaniyang malawak na palasyo, taglay ang tanyag na bahay-garing niyaon, ang mayaman at totoong pambihirang mga palamuti at pagkalalaking mga idolo. Doon, sa pagmamadalian sa nakukutaang siyudad ng Samaria, na kung saan ang pagsamba kay Jehova ay halos makalimutan na, kaniyang sinasabi kay Ahab na ang kaniyang diyos na ito, ang Baal na ito, ay inutil, hindi umiiral. Para sa taóng ito at sa mga taóng darating, sabi ni Elias, hindi magkakaroon ng anumang ulan ni hamog man!

      Saan siya kumuha ng gayong pananampalataya? Hindi ba nadama siya nahihintakutan, na nakatayo roon sa harap ng aroganteng, apostata na haring ito? Marahil. Mahigit na isang libong taon ang nakalipas, ang kapatid ni Jesus sa ina na si Santiago ay nagbigay sa atin ng katiyakan na si Elias ay “isang taong may damdamin na katulad ng sa atin.” (Santiago 5:17) Subalit pansinin ang mga salita ni Elias: “Buháy si Jehova na Diyos ng Israel na sa harap niya ako nakatayo.” Isinaisip ni Elias na bilang lingkod ni Jehova, siya’y nakatayo sa harap ng isang lalong mataas na trono kaysa kay Ahab​—ang trono ng Soberanong Panginoon ng sansinukob! Siya’y isang kinatawan, isang sugo, ng tronong iyon. Taglay ang ganitong pagkamalas, ano ang ikatatakot niya kay Ahab, isang walang halagang haring tao na nawalan ng pagpapala ni Jehova?

      Hindi nagkataon lamang na si Jehova ay tunay na tunay kay Elias. Ang propeta ay tiyak na nag-aral ng kasulatan ng pakikitungo ng Diyos sa kaniyang bayan. Nagbabala si Jehova sa mga Judio na kaniyang parurusahan sila sa pamamagitan ng tagtuyot at ng taggutom kung sila ay mahuhulog sa mga pagsamba sa mga diyus-diyusan. (Deuteronomio 11:16, 17) Nagtitiwala na laging tinutupad ni Jehova ang kaniyang salita, si Elias ay “nanalangin na huwag umulan.”​—Santiago 5:17.

  • Ikaw ba ay may Pananampalatayang Tulad ng kay Elias?
    Ang Bantayan—1992 | Abril 1
    • a Kapuwa si Jesus at si Santiago ay nagsasabi na hindi umulan sa lupain nang “may tatlong taon at anim na buwan.” Gayunman, sinasabing si Elias ay haharap kay Ahab upang tapusin ang tagtuyot “sa ikatlong taon”​—walang alinlangan sa pagbilang ng araw buhat nang kaniyang ibalita ang tagtuyot. Samakatuwid, tiyak na pagkatapos ng isang mahaba, walang ulan na tagtuyot nang unang humarap siya kay Ahab.​—Lucas 4:25; Santiago 5:17; 1 Hari 18:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share