Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Isipin Ninyong Mabuti ang Isa na Nagtiis”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • “Sundan Ninyong Mabuti ang mga Yapak Niya”

      20, 21. Ano ang inaasahan sa atin ni Jehova, at ano ang dapat na maging determinasyon natin?

      20 Alam ni Jesus na hindi madaling maging tagasunod niya kasi alam niyang kailangan nating magtiis. (Juan 15:20) Pero nagpakita siya ng magandang halimbawa na matutularan natin. (Juan 16:33) Kaya lang, perpekto si Jesus. Inaasahan kaya ni Jehova na matutularan natin si Jesus kahit hindi tayo perpekto? Ito ang sinabi ni Pedro: “Si Kristo ay nagdusa para sa inyo, at nag-iwan siya ng huwaran para sundan ninyong mabuti ang mga yapak niya.” (1 Pedro 2:21) Nang harapin ni Jesus ang mga pagsubok sa buhay, nag-iwan siya ng “huwaran” na puwede nating tularan.a Parang mga “yapak,” o mga bakas ng paa, ang mga sinabi at ginawa ni Jesus habang nagtitiis siya. Hindi natin kayang sundan ang mga iyon nang eksaktong-eksakto, pero kaya nating sundang “mabuti” ang mga iyon.

  • “Isipin Ninyong Mabuti ang Isa na Nagtiis”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • a Ang salitang Griego na isinaling “huwaran” ay literal na nangangahulugang pagkopya sa pamamagitan ng pagbakat sa orihinal na kopya. Si apostol Pedro lang ang gumamit ng salitang ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sinasabing gaya ito ng pagkopya ng isang bata sa mga isinulat ng guro sa notebook ng bata, at na kailangan niya itong gayahin nang eksaktong-eksakto.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share