Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kagayakan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Isang bagay na isinusuot ng isang tao bilang pampaganda, palamuti, pandagdag ng kaningningan, at upang gawing kalugud-lugod o kaakit-akit ang kaniyang sarili, o yaong kinakatawanan niya. Ito ay maaaring para sa mabuti o kaya’y mapanlinlang na layunin. Ang salitang Hebreo para sa “kagayakan” ay hadha·rahʹ, maliwanag na mula sa salitang-ugat na ha·dharʹ na nangangahulugang “parangalan.” (1Cr 16:29; Pan 5:12) Sa 1 Pedro 3:3, ang “kagayakan” ay isinalin mula sa salitang Griego na koʹsmos, na sa ibang mga talata ay isinalin bilang “sanlibutan.” Ang kaugnay na pandiwang ko·smeʹo ay isinasalin bilang “magayakan.”​—Tit 2:10.

  • Kagayakan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Payo sa mga Kristiyano Hinggil sa Personal na Kagayakan. Madalas na nagpayo si Jesus at ang kaniyang mga apostol na huwag maglagak ng tiwala sa pisikal na mga bagay ni magkunwari man sa pamamagitan ng materyal na kagayakan. Sinabi ng apostol na si Pablo na dapat “gayakan ng mga [Kristiyanong] babae ang kanilang sarili ng maayos na pananamit, na may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip, hindi ng mga istilo ng pagtitirintas ng buhok at ginto o mga perlas o napakamamahaling kagayakan.” (1Ti 2:9) Noong mga araw ng mga apostol, kaugalian ng mga babae sa daigdig na iyon ng kulturang Griego na ipaayos nang magarbo ang kanilang mga buhok at gumamit ng iba pang palamuti. Dahil dito, angkop na angkop ang payo ni Pedro sa mga babae sa kongregasyong Kristiyano na huwag magbigay ng labis na pansin sa ‘panlabas na pagtitirintas ng buhok at sa pagsusuot ng mga gintong palamuti o sa pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan,’ kundi sa halip, gaya ng tapat na mga babae noong sinauna, ang dapat nilang maging kagayakan ay ang “lihim na pagkatao ng puso sa walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu.”​—1Pe 3:3-5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share