-
Matalinong Patnubay Para sa mga Mag-asawaAng Bantayan—2005 | Marso 1
-
-
15, 16. Anong paggawi ng Kristiyanong asawang babae ang maaaring maging dahilan upang mawagi ang kaniyang di-sumasampalatayang asawa?
15 Anong uri ng paggawi ang maaaring maging dahilan upang mawagi ang asawang lalaki? Ang totoo, ito ay ang paggawi na likas na nililinang ng mga babaing Kristiyano. Sinabi ni Pedro: “Ang inyong kagayakan ay huwag yaong panlabas na pagtitirintas ng buhok at ang pagsusuot ng mga gintong palamuti o ang pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan, kundi ang lihim na pagkatao ng puso sa walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu, na malaki ang halaga sa paningin ng Diyos. Sapagkat noong una, gayundin naggagayak ng kanilang sarili ang mga babaing banal na umaasa sa Diyos, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawang lalaki, gaya ng pagsunod noon ni Sara kay Abraham, na tinatawag itong ‘panginoon.’ At kayo ay naging mga anak niya, kung patuloy kayong gumagawa ng mabuti at hindi natatakot sa anumang sanhi ng kakilabutan.”—1 Pedro 3:3-6.
-
-
Matalinong Patnubay Para sa mga Mag-asawaAng Bantayan—2005 | Marso 1
-
-
17. Bakit isang mainam na halimbawa si Sara para sa mga Kristiyanong asawang babae?
17 Binabanggit si Sara bilang isang huwaran, at isang karapat-dapat na halimbawa sa mga Kristiyanong asawang babae, sumasampalataya man ang kanilang asawa o hindi. Walang alinlangan na itinuring ni Sara si Abraham bilang kaniyang ulo. Kahit sa kaniyang puso, tinawag niya si Abraham na kaniyang “panginoon.” (Genesis 18:12) Subalit hindi nito nabawasan ang kaniyang dignidad. Dahil sa kaniya mismong matatag na pananampalataya kay Jehova, maliwanag na isa siyang babae na malakas sa espirituwal. Sa katunayan, kabilang siya sa ‘malaking ulap ng mga saksi’ na ang halimbawa ng pananampalataya ay dapat magpakilos sa atin na “takbuhin . . . nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harap natin.” (Hebreo 11:11; 12:1) Hindi nakabababa sa isang Kristiyanong asawang babae ang maging gaya ni Sara.
-