-
Pambuong-Daigdig na Ulat2007 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
-
-
Switzerland
Sa Geneva, isang lunsod na maraming banyaga, nakausap ng sister na si Marie ang isang babaing taga-Gitnang Silangan. Yamang nag-aaral ng Arabe si Marie, ginamit niya ang wikang ito sa pakikipag-usap sa babae. Sinabi ni Marie na naniniwala siya sa iisang tunay na Diyos. Dahil dito, niyakap at hinalikan siya ng babae dahil lungkot na lungkot pala ito at katatapos lamang manalangin nang kausapin siya ni Marie. Sinabi ng babae na pabalik na siya sa kanilang bansa kinabukasan. Binuksan ni Marie ang kaniyang Bibliya at binasa ang 1 Pedro 3:7 saka ipinaliwanag na mataas ang pagtingin ng Diyos sa mga babae. Sumunod, sinabi niya na ibig ni Jehova na parangalan at igalang ng bawat lalaki ang kaniyang asawa. Takang-takang nagtanong ang babae: “Anghel ka ba o tao? Lungkot na lungkot ako dahil hindi sinusunod ng asawa ko ang sinasabi ng Diyos sa tekstong ito. Lagi akong nagdadasal sa Diyos na sana’y tulungan niya ako. At heto, binuksan mo ang aklat na ito at binasa ang tekstong ito.” Pagkatapos ay hiniling ng babae na isulat ni Marie ang teksto sa isang piraso ng papel. Sinabi niyang dadalhin niya ang papel, ipakikita sa kaniyang pamilya, at ikukuwento sa kanila ang pambihirang karanasang ito. Bagaman nanghihinayang si Marie dahil papaalis na ang babaing ito, nagkasundo naman silang magbalitaan.
-
-
Pambuong-Daigdig na Ulat2007 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
-
-
[Larawan sa pahina 55]
Marie
-