Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Dahil sa Awa”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • Sister na nagpapatibay sa isang sister.

      “Magdamayan” sa isa’t isa

      7. Ano ang makakatulong sa atin na makadama ng empatiya, at paano natin ito maipapakita?

      7 Dapat tularan ng mga Kristiyano si Jesus sa pagpapakita ng empatiya. Sinasabi ng Bibliya na “magdamayan” tayo sa isa’t isa.b (1 Pedro 3:8) Hindi madaling maintindihan ang damdamin ng mga dumaranas ng nagtatagal na sakit o depresyon, lalo na kung hindi pa natin iyon nararanasan. Pero tandaan na hindi mo kailangang maranasan muna ang mga iyon bago ka makapagpakita ng empatiya. May empatiya si Jesus sa mga maysakit kahit hindi siya kailanman nagkasakit. Kaya paano natin maipapakita ang empatiya? Magagawa natin iyan kapag nakikinig tayong mabuti sa mga may problema habang sinasabi nila ang mga nararamdaman nila. Puwede nating tanungin ang sarili natin, ‘Kung ako ang nasa kalagayan nila, ano kaya ang mararamdaman ko?’ (1 Corinto 12:26) Mas magagawa nating “patibayin ang mga pinanghihinaan ng loob” kung iintindihin natin sila. (1 Tesalonica 5:14) Kung minsan, maipapakita natin ang empatiya hindi lang sa salita kundi sa gawa. “Makiiyak sa mga umiiyak,” ang sabi ng Roma 12:15.

  • “Dahil sa Awa”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • b Ang pang-uring Griego na isinaling “magdamayan” ay literal na nangangahulugang “pagdurusang kasama” ng iba.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share