-
Mga Pastol, Tularan ang Pinakadakilang mga PastolAng Bantayan—2013 | Nobyembre 15
-
-
4. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
4 Kaya paano dapat pakitunguhan ng mga elder ang mga tupa? Ang mga miyembro ng kongregasyon ay pinapayuhang ‘maging masunurin sa mga nangunguna’ sa kanila. Sa kabilang dako naman, ang mga elder ay pinapayuhang huwag ‘mamanginoon sa mga mana ng Diyos.’ (Heb. 13:17; basahin ang 1 Pedro 5:2, 3.) Pero paano mangunguna ang mga hinirang na elder nang hindi namamanginoon sa kawan? Sa ibang pananalita, paano mapangangalagaan ng mga elder ang mga tupa nang hindi lumalampas sa awtoridad na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila?
-
-
Mga Pastol, Tularan ang Pinakadakilang mga PastolAng Bantayan—2013 | Nobyembre 15
-
-
9. Ano ang sinabi ni Jesus na dapat maging saloobin ng kaniyang mga alagad?
9 Ang pangmalas ni Jesus sa papel ng espirituwal na pastol ay iba sa iniisip noon nina Santiago at Juan. Ang dalawang apostol na ito ay humiling ng prominenteng posisyon sa Kaharian. Pero itinuwid sila ni Jesus sa pagsasabi: “Alam ninyong ang mga banyagang tagapamahala ay naghahari-harian sa mga sakop nila. At ang kanilang mga dakilang lider ay may lubos na kapangyarihan sa lahat ng pinamamahalaan nila. Pero huwag ninyo silang gayahin. Kung gusto ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod ng lahat.” (Mat. 20:25, 26, Contemporary English Version) Kinailangan ng mga apostol na paglabanan ang tendensiyang ‘mamanginoon’ o ‘maghari-harian’ sa kanilang mga kasama.
10. Ano ang inaasahan ni Jesus sa mga elder pagdating sa pakikitungo sa kawan? Anong halimbawa ang ipinakita ni Pablo hinggil dito?
10 Inaasahan ni Jesus na tutularan ng mga elder ang pakikitungo niya sa kawan. Dapat na handa silang maging mga lingkod, hindi mga panginoon, ng kanilang mga kapatid. May ganiyang saloobin si apostol Pablo, dahil sinabi niya sa matatandang lalaki ng kongregasyon sa Efeso: “Nalalaman ninyong lubos kung paanong mula nang unang araw na tumuntong ako sa distrito ng Asia ay nakasama ninyo ako sa buong panahon, na nagpapaalipin para sa Panginoon taglay ang buong kababaan ng pag-iisip.” Nais ng apostol na maging masigasig at mapagpakumbaba ang mga elder na iyon sa pagtulong sa iba. Sinabi niya: “Ipinakita ko sa inyo sa lahat ng bagay na sa pagpapagal nang gayon ay dapat ninyong tulungan yaong mahihina.” (Gawa 20:18, 19, 35) Sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na hindi siya panginoon sa kanilang pananampalataya, kundi isang kamanggagawa lamang ukol sa kanilang kagalakan. (2 Cor. 1:24) Si Pablo ay mainam na halimbawa ng kapakumbabaan at kasipagan para sa mga elder ngayon.
-
-
Mga Pastol, Tularan ang Pinakadakilang mga PastolAng Bantayan—2013 | Nobyembre 15
-
-
“MGA HALIMBAWA SA KAWAN”
Tinutulungan ng mga elder ang kanilang pamilya sa paghahanda sa ministeryo (Tingnan ang parapo 13)
13, 14. Sa anu-anong paraan dapat magpakita ng mabuting halimbawa ang isang elder?
13 Pagkatapos paalalahanan ni apostol Pedro ang matatandang lalaki sa kongregasyon na huwag mamanginoon sa mga ipinagkatiwala sa kanila, pinayuhan niya sila na “maging mga halimbawa sa kawan.” (1 Ped. 5:3) Paano magiging halimbawa sa kawan ang isang elder? Pag-isipan ang dalawa sa mga kuwalipikasyong dapat maipakita ng isang lalaking “umaabot sa katungkulan ng tagapangasiwa.” Dapat na “matino ang [kaniyang] pag-iisip” at “namumuno [siya] sa kaniyang sariling sambahayan sa mahusay na paraan.” Kung may pamilya ang elder, dapat na mahusay siyang ulo ng sambahayan, dahil “kung hindi nga alam ng sinumang lalaki kung paano mamuno sa kaniyang sariling sambahayan, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?” (1 Tim. 3:1, 2, 4, 5) Para maging kuwalipikado sa katungkulan ng tagapangasiwa ang isang brother, dapat na matino ang kaniyang pag-iisip; nangangahulugan ito na malinaw niyang naiintindihan ang mga simulain sa Bibliya at alam niya kung paano ikakapit iyon sa kaniyang buhay. Siya ay mahinahon, makatuwiran, at hindi padalus-dalos sa pagpapasiya. Nagtitiwala ang mga kapatid sa mga elder na nagpapakita ng ganitong mga katangian.
14 Ang mga tagapangasiwa ay dapat ding magpakita ng mabuting halimbawa sa pangangaral, gaya ng ginawa ni Jesus. Ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ay mahalagang bahagi ng gawain ni Jesus noong narito siya sa lupa. Ipinakita niya sa kaniyang mga alagad kung paano ito isasagawa. (Mar. 1:38; Luc. 8:1) Sa ngayon, nakapagpapatibay sa mga mamamahayag ang mangaral kasama ng mga elder, makita ang sigasig ng mga elder sa nagliligtas-buhay na gawaing ito, at matuto sa kanilang paraan ng pagtuturo. Kapag masigasig ang mga elder sa pangangaral kahit abala sila, napakikilos ang buong kongregasyon na tularan sila. Ang mga elder ay maaari ding magpakita ng mabuting halimbawa sa paghahanda at pakikibahagi sa mga pulong at iba pang mga gawain, gaya ng paglilinis at pagmamantini ng Kingdom Hall.—Efe. 5:15, 16; basahin ang Hebreo 13:7.
Mabuting halimbawa sa paglilingkod sa larangan ang mga tagapangasiwa (Tingnan ang parapo 14)
-