-
Tinutularan Mo ba si Jehova sa Pagmamalasakit sa Iba?Ang Bantayan—2007 | Hunyo 15
-
-
Ang maibiging pangangalaga ni Jehova ay makikita sa kongregasyong Kristiyano. Bilang Ulo ng kongregasyon, inuutusan ni Jesu-Kristo ang matatanda na pangalagaan ang kaniyang kawan. (Juan 21:15-17) Ang Griegong salita para sa tagapangasiwa ay may kaugnayan sa pandiwang nangangahulugang “bantayang mabuti.” Upang idiin kung paano ito dapat gawin, tinagubilinan ni Pedro ang matatanda: “Pastulan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyong pangangalaga, hindi napipilitan, kundi maluwag sa kalooban; ni hindi dahil sa pag-ibig sa di-tapat na pakinabang, kundi may pananabik; ni hindi namamanginoon sa mga mana ng Diyos, kundi maging mga halimbawa sa kawan.”—1 Pedro 5:2, 3.
-
-
Tinutularan Mo ba si Jehova sa Pagmamalasakit sa Iba?Ang Bantayan—2007 | Hunyo 15
-
-
Pero binababalaan tayo ng mga salita ni Pedro sa itaas hinggil sa isang panganib—ang ‘mamanginoon’ ang matatanda sa kongregasyon. Ang isang halimbawa nito ay ang paggawa ng isang matanda ng di-kinakailangang mga tuntunin. Dahil sa matinding pagnanais na ipagsanggalang ang kawan, baka sumobra naman ang isang tagapangasiwa. Sa isang kongregasyon sa Silangan, gumawa ang matatanda ng mga tuntunin kung paano babatiin ang iba sa Kingdom Hall—gaya ng kung sino ang dapat na unang magsalita—anupat naniniwalang ang pagsunod sa mga tuntuning ito ay magdudulot ng kapayapaan sa kongregasyon. Bagaman talagang mabuti naman ang mga motibo nila, tinutularan kaya ng matatandang iyon ang pangangalaga ni Jehova sa kaniyang bayan? Kapansin-pansin, ang saloobin ni apostol Pablo ay mababanaag sa kaniyang mga salita: “Hindi sa kami ang mga panginoon sa inyong pananampalataya, kundi mga kamanggagawa kami ukol sa inyong kagalakan, sapagkat dahil sa inyong pananampalataya kaya kayo ay nakatayo.” (2 Corinto 1:24) May tiwala si Jehova sa kaniyang bayan.
-