Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaligtasan Malapit Na Para sa mga Taong May Maka-Diyos na Debosyon!
    Ang Bantayan—1990 | Abril 15
    • 2, 3. (a) Bakit makikita natin na ang sinasabi sa 2 Pedro 2:9 ay pampatibay-loob? (b) Anong tiyakang mga gawang pagliligtas ang tinutukoy sa Bibliya bilang pampatibay-loob?

      2 Ang nagaganap sa ating kaarawan ay nagpapagunita sa atin ng ibang lubhang mahalagang mga panahon sa kasaysayan ng tao. Si apostol Pedro ay tumatawag ng pansin sa mga gawang pagliligtas na isinagawa ng Diyos sa mga pagkakataong iyon at pagkatapos ay sumasapit sa ganitong pampatibay-loob: “Si Jehova ay marunong magligtas buhat sa tukso sa mga taong may maka-Diyos na debosyon.” (2 Pedro 2:9) Pansinin ang konteksto ng pangungusap na iyan, sa 2 Pedro 2:4-10:

      3 “Tiyak na kung hindi nagpigil ang Diyos ng pagpaparusa sa mga anghel na nagkasala, kundi, sa pamamagitan ng pagbubulid sa kanila sa Tartaro, ikinulong sila sa kalaliman sa pusikit na kadiliman upang ilaan sa paghuhukom; at siya’y hindi nagpigil ng pagpaparusa sa isang sinaunang sanlibutan, ngunit si Noe, na mángangarál ng katuwiran, ay iningatang ligtas kasama ng pito pa nang gunawin niya ang isang sanlibutan ng mga taong balakyot; at sa paglipol ng mga lunsod ng Sodoma at Gomorra ay kaniyang pinarusahan sila, upang maging halimbawa ng mga bagay na darating sa mga taong balakyot; at kaniyang iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa pagpapakalabis sa kahalayan ng mga taong suwail-sa-kautusan​—sapagkat ang matuwid na taong iyan sa kaniyang nakita at narinig samantalang namamayang kasama nila ay sa araw-araw lubhang nahahapis ang kaniyang matuwid na kaluluwa dahilan sa kanilang mga gawang laban sa kautusan​—si Jehova ay marunong magligtas buhat sa tukso sa mga taong may maka-Diyos na debosyon, ngunit maglaan sa mga taong di-matuwid sa araw ng paghuhukom upang lipulin, gayunman, lalong-lalo na sa mga nagsisilakad nang ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan at nangapopoot sa pagpapasakop.” Gaya ng ipinakikita ng mga talatang iyan, ang mga bagay na naganap noong kaarawan ni Noe at noong panahon ni Lot ay punô ng kahulugan para sa atin.

  • Kaligtasan Malapit Na Para sa mga Taong May Maka-Diyos na Debosyon!
    Ang Bantayan—1990 | Abril 15
    • 4. Noong kaarawan ni Noe, bakit ang lupa ay sumamâ sa paningin ng Diyos? (Awit 11:5)

      4 Ang kasaysayan sa Genesis kabanata 6 ay nagbibigay-alam sa atin na noong kaarawan ni Noe ang lupa ay sumamâ sa paningin ng tunay na Diyos. Bakit? Dahilan sa karahasan. Ito ay hindi isang bukud-bukod na mga kaso lamang ng karahasan ng mga mamamatay-tao. Ang Genesis 6:11 ay nag-uulat na “ang lupa ay napuno ng karahasan.”

      5. (a) Anong saloobin ng mga tao ang isang sanhi ng karahasan noong kaarawan ni Noe? (b) Ano ang ibinabala ni Enoc tungkol sa kabalakyutan?

      5 Ano ba ang nasa likod nito? Ang kasulatan na sinipi buhat sa 2 Pedro ay tumutukoy sa mga taong balakyot. Oo, ang espiritu ng kabalakyutan ay laganap sa mga gawain ng tao. Kasali rito hindi lamang ang pangkalahatang pagwawalang-bahala sa batas ng Diyos kundi ang saloobin ng pagsuway sa Diyos mismo.a At pagka ang mga tao’y masuwayin sa Diyos, papaano nga maaasahan na sila’y makikitungo nang may kabaitan sa kanilang kapuwa-tao? Kahit na bago isinilang si Noe, ang ganitong kabalakyutan ay lubhang laganap kung kaya’t pinapangyari ni Jehova na si Enoc ay humula tungkol sa magiging resulta. (Judas 14, 15) Ang kanilang pagsuway sa Diyos ay tiyak na magdadala ng inihatol ng Diyos na kaparusahan.

  • Kaligtasan Malapit Na Para sa mga Taong May Maka-Diyos na Debosyon!
    Ang Bantayan—1990 | Abril 15
    • a Ang “anomia ay pagwawalang-bahala, o pagsuway, sa mga batas ng Diyos; ang asebeia [anyong pangngalan ng salitang isinaling ‘mga taong balakyot’] ay siya ring saloobin laban sa Persona ng Diyos.”​—Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words, Tomo 4, pahina 170.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share