Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apat na Tanong Tungkol sa Wakas​—Nasagot
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 1
    • Matuto sa nakaraan. Ang Diyos ay “hindi . . . nagpigil sa pagpaparusa sa sinaunang sanlibutan, kundi iningatang ligtas si Noe, isang mangangaral ng katuwiran, kasama ng pitong iba pa nang magpasapit siya ng delubyo sa isang sanlibutan ng mga taong di-makadiyos,” ang isinulat ni Pedro. (2 Pedro 2:5) Kung tungkol sa mga nanunuya, sinabi ni Pedro: “Ayon sa kanilang naisin, ang bagay na ito ay nakalalampas sa kanilang pansin, na may mga langit mula noong sinauna at isang lupa na nakatayong matatag mula sa tubig at sa gitna ng tubig sa pamamagitan ng salita ng Diyos; at sa pamamagitan ng mga iyon ang sanlibutan ng panahong iyon ay dumanas ng pagkapuksa nang apawan ito ng tubig. Ngunit sa pamamagitan ng gayunding salita ang mga langit at ang lupab sa ngayon ay nakalaan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-makadiyos.”​—2 Pedro 3:5-7.

  • Apat na Tanong Tungkol sa Wakas​—Nasagot
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 1
    • b Tinukoy rito ni Pedro ang lupa sa makasagisag na paraan. Gayundin ang pagtukoy na ginawa ng manunulat ng Bibliya na si Moises. Isinulat niya: “Ang buong lupa ay nagpatuloy na iisa ang wika.” (Genesis 11:1) Kung paanong hindi ang literal na lupa ang nagsasalita ng ‘isang wika,’ hindi rin naman ito ang wawasakin. Sa halip, gaya ng sinabi ni Pedro, ang mga taong di-makadiyos ang pupuksain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share