Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano Ngang Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Inyo?
    Ministeryo sa Kaharian—1995 | Agosto
    • 1 Nalalapit na ang oras ng pagsusulit para sa buong sangkatauhan. Ito ang panahon ng pagpapataw ng banal na paghatol laban sa balakyot; ito rin ang panahon ng pagliligtas sa mga matuwid. Pagsusulitan ng lahat ng nananatiling buháy sa pagkakataong iyon ang naging paraan ng kanilang pamumuhay. Taglay sa isip ang bagay na iyan, nagtanong si Pedro: “Ano ngang uri ng pagkatao ang nararapat sa inyo”? Idiniin niya ang kahalagahan ng ‘banal na mga paggawi, mga gawa ng maka-Diyos na debosyon, at pag-iingat sa isipan ng araw ni Jehova,’ gayundin ang pangangailangang maging ‘walang batik, walang dungis, at nasa kapayapaan.’—2 Ped. 3:11-14.

  • Ano Ngang Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Inyo?
    Ministeryo sa Kaharian—1995 | Agosto
    • 4 Ang pag-iingat na “malapit sa isipan” ang araw ni Jehova ay nangangahulugang palagi itong pangunahin sa ating isip sa araw-araw, na hindi kailanman inilalagay sa hulihan. Nangangahulugan ito na palagi nating inuuna sa ating buhay ang kapakanan ng Kaharian.—Mat. 6:33.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share