Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano Ngang Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Inyo?
    Ministeryo sa Kaharian—1995 | Agosto
    • 1 Nalalapit na ang oras ng pagsusulit para sa buong sangkatauhan. Ito ang panahon ng pagpapataw ng banal na paghatol laban sa balakyot; ito rin ang panahon ng pagliligtas sa mga matuwid. Pagsusulitan ng lahat ng nananatiling buháy sa pagkakataong iyon ang naging paraan ng kanilang pamumuhay. Taglay sa isip ang bagay na iyan, nagtanong si Pedro: “Ano ngang uri ng pagkatao ang nararapat sa inyo”? Idiniin niya ang kahalagahan ng ‘banal na mga paggawi, mga gawa ng maka-Diyos na debosyon, at pag-iingat sa isipan ng araw ni Jehova,’ gayundin ang pangangailangang maging ‘walang batik, walang dungis, at nasa kapayapaan.’—2 Ped. 3:11-14.

  • Ano Ngang Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Inyo?
    Ministeryo sa Kaharian—1995 | Agosto
    • 5 Walang Batik, Walang Dungis, at Nasa Kapayapaan: Bilang bahagi ng malaking pulutong, atin nang ‘nilabhan ang ating mahahabang damit at pinaputi ang mga iyon sa dugo ng Kordero.’ (Apoc. 7:14) Ang pagiging “walang batik” ay nangangahulugang iniingatan nating huwag matilamsikan ng dumi mula sa sanlibutan ang ating malinis at nakaalay na buhay. Nag-iingat tayo na maging “walang dungis” sa pamamagitan ng pagtangging papangitin ng di-maka-Diyos at materyalistikong mga hangarin ang ating Kristiyanong personalidad. (Sant. 1:27; 1 Juan 2:15-17) Ipinakikita nating tayo’y namumuhay “sa kapayapaan” sa pamamagitan ng pagpapaaninag ng “kapayapaan ng Diyos” sa lahat ng ating pakikitungo sa iba.—Fil. 4:7; Roma 12:18; 14:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share