-
Ang Bibliya—Mensahe ng Diyos sa AtinMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
1. Kung tao ang sumulat ng Bibliya, paano natin nasabi na Diyos ang Awtor nito?
Isinulat ang Bibliya ng mga 40 tao sa loob ng mga 1,600 taon, mula 1513 B.C.E. hanggang mga 98 C.E. Iba’t iba ang kalagayan sa buhay o kakayahan ng mga manunulat nito. Pero hindi nagkokontrahan ang nilalaman nito. Paano nangyari iyon? Dahil Diyos ang Awtor ng Bibliya. (Basahin ang 1 Tesalonica 2:13.) Hindi sariling kaisipan, o opinyon, ang isinulat ng mga manunulat ng Bibliya kundi “nagsalita [sila] mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.”a (2 Pedro 1:21) Ginamit ng Diyos ang kaniyang banal na espiritu para gabayan, o pakilusin, sila na isulat ang kaisipan niya.—2 Timoteo 3:16.
-
-
Anong Uri ng Diyos si Jehova?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
4. Banal na espiritu—ang aktibong puwersa ng Diyos
Kapag mayroon tayong gustong gawin, ginagamit natin ang ating mga kamay; ginagamit naman ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu. Sinasabi ng Bibliya na ang banal na espiritu ang puwersa na ginagamit ng Diyos para magawa ang isang bagay. Hindi ito isang persona. Basahin ang Lucas 11:13 at Gawa 2:17. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
“Ibubuhos” ng Diyos ang banal na espiritu niya sa mga humihingi nito sa kaniya. Kaya sa tingin mo, ang banal na espiritu ba ay isang persona o aktibong puwersa ng Diyos? Bakit iyan ang sagot mo?
Ginagamit ni Jehova ang banal na espiritu niya para magawa ang maraming bagay. Basahin ang Awit 33:6 at 2 Pedro 1:20, 21. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Paano ginamit ni Jehova ang banal na espiritu niya?
-