Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Napagtagumpayan ng Bibliya ang Tangkang Baguhin ang Mensahe Nito
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 4
      • Doktrina ng Trinidad: Wala pang 300 taon matapos makumpleto ang Bibliya, isang manunulat na nagtataguyod ng Trinidad ang nagdagdag sa 1 Juan 5:7 ng pananalitang “sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa.” Wala iyan sa orihinal na teksto. “Mula noong ikaanim na siglo,” ang sabi ng iskolar ng Bibliya na si Bruce Metzger, ang mga salitang iyon ay “mas madalas nang lumilitaw sa mga manuskrito ng Old Latin at ng [Latin] Vulgate.”

  • Napagtagumpayan ng Bibliya ang Tangkang Baguhin ang Mensahe Nito
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 4
    • Ikalawa, sa dami ng mga manuskrito ngayon, nakatulong ito sa mga iskolar ng Bibliya na makita ang mga kamalian. Halimbawa, itinuro ng mga lider ng relihiyon sa loob ng daan-daang taon na ang mga bersiyon nila sa wikang Latin ang naglalaman ng orihinal na teksto ng Bibliya. Pero sa 1 Juan 5:7, isiningit nila ang mga salitang binanggit kanina sa artikulong ito. Ang kamaliang iyon ay nakapasok pa nga sa maimpluwensiyang King James Version sa wikang Ingles! Pero nang matuklasan ang ibang manuskrito, ano ang isiniwalat ng mga ito? Isinulat ni Bruce Metzger: “Ang pananalita [sa 1 Juan 5:7] ay wala sa mga manuskrito ng lahat ng sinaunang bersiyon (Syriac, Coptic, Armenian, Ethiopic, Arabic, Slavonic), maliban sa Latin.” Dahil diyan, inalis ng nirebisang edisyon ng King James Version at ng iba pang Bibliya ang maling parirala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share