-
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Neutral?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
2. Paano natin maipapakita na neutral tayo?
Gaya ni Jesus, hindi tayo nakikisali sa politika. Nang makita ng mga tao ang isa sa mga himala ni Jesus, gusto nila siyang gawing hari. Pero umalis siya. (Juan 6:15) Bakit? Sinabi niya ang dahilan: “Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Juan 18:36) Bilang mga alagad ni Jesus, maraming paraan para maipakita nating neutral tayo. Halimbawa, hindi tayo sumasali sa mga digmaan. (Basahin ang Mikas 4:3.) Iginagalang natin ang mga simbolo ng bansa, gaya ng bandila. Pero hindi natin ito pinaparangalan gaya ng pagpaparangal natin sa Diyos. (1 Juan 5:21) At wala tayong pinapanigan sa politika o sa mga kandidato nito. Kapag ginagawa natin ang mga bagay na gaya nito, ipinapakita nating tapat tayo sa Kaharian o gobyerno ng Diyos.
-
-
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Neutral?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
4. Maging neutral sa isip at sa gawa
Basahin ang 1 Juan 5:21 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Bakit hindi sumali sa partido sa politika si Ayenge o sa seremonyang makabayan gaya ng pagsaludo sa bandila?
Sa tingin mo, tama kaya ang desisyon niya?
Ano pang mga sitwasyon ang puwedeng sumubok sa pagiging neutral natin? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Paano tayo mananatiling neutral kapag may international event para sa sports?
Paano tayo mananatiling neutral kapag apektado tayo ng mga desisyon ng isang politiko?
Paano nakakaapekto ang media o ang mga taong kasama natin sa ating neutralidad?
Sa anong mga sitwasyon dapat manatiling neutral ang isang Kristiyano sa isip at sa gawa?
-