Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Mata Mo Ba ay “Simple”?
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 1
    • 9. Paano pinauunlad ni Satanas “ang pita ng mga mata” sa ngayon?

      9 Sa ngayon, si Satanas ay gumagamit pa rin ng ganoong pamamaraan sa kaniyang pakanâ na maitalikod ang lahat ng mga tao sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kaningningan at panghalina ng sanlibutan, pinauunlad ni Satanas “ang pita ng laman at ang pita ng mga mata at ang mapasikat na pagpaparangalan ng kabuhayan.” (1 Juan 2:16) Ito’y malinaw na makikita sa mga paraan ng pag-aanunsiyo na ginagamit ng daigdig ng komersiyo. Hindi baga totoo na ang pinakamatagumpay na mga pag-aanunsiyo ay yaong pinakamagaling na umantig ng paningin? Ang libu-libong matitingkad-kulay na mga karatula at tumatawag-pansin na mga anunsiyo sa mga daan, ang nagkikislapang mga larawan sa mga magasin at pahayagan, ang tusong mga pag-aanunsiyo sa TV​—at ang bilyun-bilyong mga dolyar na ginagasta sa mga ito​—ay pawang nagpapatotoo na ang buong layunin ng pag-aanunsiyo ay upang pasiglahin ang “pita ng mga mata” ng mga mamimili.

      10. Anong talaga ang itinataguyod ng daigdig ng komersiyo?

      10 Samantalang marami sa mga anunsiyong ito ang sumasaklaw sa halos buong guniguni mo, ang lalong tuso ay yaong bagay na hindi lamang mga produkto para sa mamimili ang talagang itinataguyod ng mga anunsiyong ito kundi pati mga istilo ng pamumuhay. Malimit na ang mga produkto ay iniaanunsiyo na ginagamit ng mga taong mayayaman, maimpluwensiya, maliligaya, at magaganda. Ang mensahe ay na pagka ang produktong iyon ang ginagamit ng sinuman, ang kaniyang “kabuhayan” ay kusang mapapasahanay ng alinman sa mga binanggit na kalagayang iyan. Batid ng mga tagapag-anunsiyo na minsang tanggapin ng isang tao ang isang paraan ng pamumuhay, madali na siyang mahihikayat na tanggapin ang mga kalakal at mga bilihin na kasama niyaon. Sa liwanag na ito, anong laking katalinuhan para sa nag-alay na mga Kristiyano na makinig sa payo na nasa Hebreo 13:5! Mababasa natin: “Sa inyong pamumuhay ay mangilag kayo sa pag-ibig sa salapi, samantalang kontento na kayo sa kasalukuyang mga bagay.”

  • Ang Mata Mo Ba ay “Simple”?
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 1
    • 15, 16. (a) Ano pang ibang “pita ng mga mata” ang kailangang iwasan natin? (b) Paano mo ikakapit ang payo sa Kawikaan 27:20 sa ating tinatalakay?

      15 Subalit, yaon ba lamang mga nakapako ang mata sa pagpapayaman ang nanganganib na lumakad sa kadiliman? Hindi, sapagkat “ang pita ng mga mata” ay sumasaklaw din sa maraming iba pang mga bagay. Alalahanin ang sinabi ni Jesus sa Mateo 5:28: “Bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.” Tiyak na ang babalang iyan ay maikakapit din sa pagpapako ng mga mata ng isang tao sa isang bagay na aantig o pupukaw ng di-nararapat na mga hangarin at pita.

      16 At nariyan din ang mga pagkabalisa tungkol sa pagkain, inumin, at pananamit na binanggit ni Jesus. (Mateo 6:25-32) Bagaman ang mga bagay na ito ay kinakailangan, ang labis na pagnanasang magkaroon ng pinakabago, pinakasagana, at pinakapopular, ay maaaring umalipin sa ating isip at puso. (Roma 16:18; Filipos 3:19) Kahit na sa libangan, sa paboritong pampalipas-oras, sa sports, sa ehersisyo, at iba pa, tayo ay kailangang manatiling may wastong pagkatimbang at iwasan na mapalulong sa mga kausuhan at kinahihiligan ng sanlibutan. Sa lahat na ito, makabubuting isaisip natin ang mga salita ng pantas na nasa Kawikaan 27:20: “Ang Sheol at ang dako ng kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailanman, ni nasisiyahan man ang mga mata ng isang tao.” Oo, tayo’y laging magpigil sa sarili upang ang ating espirituwalidad ay hindi manganib dahil sa pagsisikap na bigyan ng kasiyahan ang ating mga mata.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share