Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 32. Anong babala ang ibinigay ni Juan, at paano natin maikakapit ito?

      32 Anuman ang ating kalagayan sa kabuhayan, ang Kaharian ang dapat na laging magkaroon ng pangunahing dako sa ating buhay. Mahalaga na huwag mawala sa ating isipan ang mga salita ni apostol Juan: “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya.” (1 Juan 2:15) Totoo, kailangan nating gamitin ang mga kaayusang pang-ekonomiya ng sanlibutan upang mabuhay. (2 Tesalonica 3:10) Kaya naman, ‘ginagamit [natin] ang sanlibutan’​—subalit hindi natin ito ginagamit “nang lubusan.” (1 Corinto 7:31) Kung mayroon tayong labis na pag-ibig sa materyal na mga bagay​—ang mga bagay na nasa sanlibutan​—hindi na natin iniibig si Jehova. Ang paghabol sa ‘pagnanasa ng laman at sa pagnanasa ng mga mata at sa pagpaparangya ng kabuhayan ng isa’ ay hindi kaayon ng paggawa ng kalooban ng Diyos.d At ang paggawa ng kalooban ng Diyos ang siyang umaakay tungo sa buhay na walang hanggan.​—1 Juan 2:16, 17.

  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • d Ang “pagpaparangya” ay isang salin ng Griegong salitang a·la·zo·niʹa, na inilarawan bilang “isang sapantaha na hindi makadiyos at walang saysay na pagtitiwala sa katatagan ng makalupang mga bagay.”​—The New Thayer’s Greek-English Lexicon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share