Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Makipaglaban Nang Puspusan Ukol sa Pananampalataya”!
    Ang Bantayan—1998 | Hunyo 1
    • 5. Mula kaninong sinaunang propeta sumipi si Judas, at paano ipinahayag ng hulang iyon ang ganap na katiyakan ng katuparan nito?

      5 Nang maglaon, tinukoy ni Judas ang isang lalong malawak na paghatol. Sinipi niya ang hula ni Enoc​—isang talata na hindi masusumpungan sa iba pang bahagi ng kinasihang Kasulatan.a (Judas 14, 15) Inihula ni Enoc ang isang panahon na hahatulan ni Jehova ang lahat ng di-makadiyos at ang kanilang di-makadiyos na mga gawa. Kapansin-pansin, nagsalita si Enoc sa panahunang pangnagdaan, sapagkat ang mga kahatulan ng Diyos ay tiyak na para bang naganap na ang mga ito. Maaaring nilibak ng mga tao si Enoc at nang maglaon ay si Noe, ngunit lahat ng gayong manunuya ay nalunod sa pangglobong Delubyo.

  • “Makipaglaban Nang Puspusan Ukol sa Pananampalataya”!
    Ang Bantayan—1998 | Hunyo 1
    • a Iginigiit ng ilang mananaliksik na si Judas ay sumipi mula sa apokripang Book of Enoch. Gayunman, sinabi ni R. C. H. Lenski: “Nagtatanong tayo: ‘Ano ang pinagmulan ng nakalilitong akdang ito, ang Book of Enoch?’ Ang aklat na ito ay isang pagdaragdag, at walang nakatitiyak sa mga petsa ng iba’t ibang bahagi nito . . . ; walang makatitiyak na ang ilan sa mga pahayag nito ay hindi, marahil, galing kay Judas mismo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share