Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang mabangis na hayop na may pitong ulo sa Apocalipsis 13?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
      • Sinasabi ng Bibliya na ang bilang, o pangalan, ng hayop​—666​—ay “bilang ng isang tao.” (Apocalipsis 13:17, 18) Ipinakikita nito na ang hayop sa Apocalipsis kabanata 13 ay isang organisasyon ng tao, hindi ng espiritu o demonyo.

  • Ano ang Ibig Sabihin ng 666?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Isang mabangis na hayop na may sampung sungay at pitong ulo na ang numero, o pangalan, ay 666.

      Ano ang Ibig Sabihin ng 666?

      Ang sagot ng Bibliya

      Ayon sa huling aklat ng Bibliya, 666 ang bilang, o pangalan, ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na umaahon mula sa dagat. (Apocalipsis 13:1, 17, 18) Ang hayop na ito ay sumasagisag sa pandaigdig na politikal na sistema, na namamahala “sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.” (Apocalipsis 13:7) Ang pangalang 666 ay tumutukoy sa lubos na kabiguan ng politikal na sistema sa paningin ng Diyos. Paano?

      Higit pa sa isang katawagan. Ang mga pangalan na ibinigay ng Diyos ay may kahulugan. Halimbawa, ang pangalan ni Abram ay nangangahulugang “Ang Ama ay Mataas (Dinakila).” Binigyan siya ng Diyos ng pangalang Abraham, na nangangahulugang “Ama ng Pulutong (Karamihan),” nang mangako ang Diyos sa kaniya na gagawin siyang “ama ng pulutong ng mga bansa.” (Genesis 17:5) Sa katulad na paraan, pinangalanan ng Diyos ang hayop ng 666 bilang sagisag ng pagkakakilanlang mga katangian nito.

      Ang bilang na anim ay nangangahulugan ng pagiging di-sakdal. Sa Bibliya, kadalasan nang ginagamit ang mga bilang sa makasagisag na paraan. Ang pito ay karaniwan nang lumalarawan sa pagiging kumpleto o sakdal. Ang anim, na kulang ng isa para maging pito, ay maaaring tumukoy sa isang bagay na kulang o may depekto sa paningin ng Diyos, at maaari itong iugnay sa mga kaaway ng Diyos.—1 Cronica 20:6; Daniel 3:1.

      Tatlong beses para sa pagdiriin. Kung minsan, inuulit ng Bibliya ang isang bagay nang tatlong beses para idiin ito. (Apocalipsis 4:8; 8:13) Kaya ang pangalang 666 ay talagang nagdiriin na ang politikal na sistema ng mga tao ay lubusang bigo sa paningin ng Diyos. Hindi sila nakapagbigay ng namamalaging kapayapaan at katiwasayan—mga bagay na tanging ang Kaharian lang ng Diyos ang makapagbibigay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share