Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Aktibong Pangunguna Ngayon ni Kristo
    Ang Bantayan—1987 | Agosto 1
    • Mga Tagapangasiwa sa Kanan ni Kristo

      8, 9. (a) Anong pangitain ang tinanggap ni apostol Juan? (b) Ano ang inilarawan ng pitong kandelero at ng pitong bituin?

      8 Si apostol Juan, isang miyembro ng lupong tagapamahala ng sinaunang kongregasyong Kristiyano, ay tumanggap ng isang pangitain na kung saan kaniyang “nakita ang pitong kandelerong ginto, at sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao . . . At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin.” Ipinaliwanag ni Jesu-Kristo kay Juan: “Ang banal na lihim ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong kandelerong ginto: Ang pitong bituin ay nangangahulugan ng mga anghel ng pitong kongregasyon, at ang pitong kandelero ay nangangahulugan ng pitong kongregasyon.”​—Apocalipsis 1:12-20.

      9 Bilang komento sa talatang ito, ang aklat na “Then Is Finished the Mystery of God” ay nagsasabi: “Ang gayon bang ‘mga anghel’ ay di-nakikita? Hindi. Tinanggap ni apostol Juan ang buong Apocalipsis buhat kay Jesu-Kristo sa pamamagitan ng isang makalangit na anghel, at magiging di-makatuwiran para sa kaniya na sumulat naman sa mga anghel sa langit, sa isang dakong di-nakikita. Hindi nila kailangan ang mga mensahe na isinulat sa pitong kongregasyon sa Asia. Ang saligang kahulugan ng titulong ‘anghel’ ay ‘mensahero; tagadala ng mensahe.’ . . . Yamang ang pitong simbolikong mga bituing ito ay nakita na nasa kanang kamay ni Jesus, sila’y nasa kaniyang pangangalaga at kargo at nasa ilalim ng kaniyang pangangasiwa, yamang ang kaniyang ‘kanang kamay’ ng ginagamit na kapangyarihan ay nakakapagdirekta at nakakaprotekta sa kanila. . . . Kung paanong ang ‘pitong kandelero’ na nakita sa pangitain noong ‘araw ng Panginoon’ ay lumalarawan sa lahat ng tunay na mga kongregasyong Kristiyano sa kasalukuyan, tunay na ‘araw ng Panginoon’ na ito sapol noong 1914 C.E., gayundin ang ‘pitong bituin’ ay sumasagisag sa lahat ng inianak-sa-espiritu, pinahirang tulad-anghel na mga tagapangasiwa ng gayong mga kongregasyon sa ngayon.”b​—Pahina 102-4.

      10. Anong karagdagang “ari-arian” ang ipinagkatiwala sa alipin?

      10 Ang mga pinahirang tagapangasiwang ito sa kanang kamay ni Kristo ay pawang bahagi ng grupong kumakatawan sa “alipin” na Kaniyang hinirang na mangasiwa “sa lahat ng kaniyang ari-arian.” Dahil sa mismong ang Panginoon ng alipin ay binigyan ng lalong malawak na mga responsabilidad sapol noong 1914, “lahat ng kaniyang ari-arian” ay binubuo ng higit na maraming bagay para sa alipin kaysa noong nakaraan. Unang-una, bilang “mga embahador na kumakatawan kay Kristo,” ang nalabi ay mga embahador ngayon ng isang nagpupunong Hari sa isang natatag nang Kaharian. (2 Corinto 5:20) Sila’y inilagay na mga tagapangasiwa sa lahat ng espirituwal na mga bagay na pag-aari ng Panginoon sa lupa. Sila’y kailangang maglingkod bilang katuparan ng mga hula na natutupad sapol nang itatag ang Kaharian. Kasali na rito ang pangangaral ng “mabuting balitang ito ng kaharian . . . sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo.” (Mateo 24:14) Higit kailanman, sila’y kailangang gumawa ng “mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa,” sa ganoo’y tinitipon ang walang bilang na “malaking pulutong.” (Mateo 28:19, 20; Apocalipsis 7:9) Oo, ang “kanais-nais na mga bagay ng lahat ng mga bansa” ay isang bahagi ng naragdagang “ari-arian” ni Kristo sa lupa.​—Hagai 2:7.

      11. (a) Ano ang kailangan dahil sa naragdagang “ari-arian” na ito? (b) Sino ang nangangasiwa sa gawain, at paano?

      11 Lahat na ito ay nangangahulugan ng higit pang gawain para sa grupong “alipin,” isang lalong malawak na larangan ng mga gawain, na literal na umaabot sa “buong tinatahanang lupa.” Nangangailangan din ito ng lalong malalaking punung-tanggapan at mga pasilidad ng sangay para sa pamamanihala ng gawain at sa paglimbag at pamamahagi ng literatura para sa pangangaral at personal na pag-aaral. Tulad din noong unang siglo, ang gawaing ito ay isinasagawa sa ilalim ng aktibong pangunguna ni Jesu-Kristo, na makasagisag na “nasa gitna ng mga kandelero,” o mga kongregasyon. Kaniyang pinangangasiwaan ang mga ito sa pamamagitan ng pinahirang mga tagapangasiwa, na kaniyang hinahawakan sa makasagisag na paraan “sa kaniyang kanang kamay.” (Apocalipsis 1:13, 16) Tulad noong mga sinaunang panahong Kristiyano, ang isang grupo ng mga pinahirang tagapangasiwang ito ang bumubuo ng nakikitang Lupong Tagapamahala ng kongregasyon ni Kristo sa lupa. Ang kaniyang “kanang kamay” ng ginagamit na kapangyarihan ang umaakay sa tapat na mga lalaking ito samantalang kanilang pinangangasiwaan ang gawaing pang-Kaharian.

  • Ang Aktibong Pangunguna Ngayon ni Kristo
    Ang Bantayan—1987 | Agosto 1
    • b Ang labas ng The Watchtower ng Disyembre 15, 1971, ang nagbigay ng higit pang paliwanag tungkol dito, at ang sabi: “Tiyak, hindi isang indibiduwal na matanda, presbitero, tagapangasiwa o pastol, kundi ang buong ‘lupon ng matatanda’ ang tinukoy ng niluwalhating Panginoon, si Jesu-Kristo, na ang ‘anghel’ na isinagisag ng isang makalangit na bituin. . . . Ang ‘lupon ng matatanda’ (o presbiteryo) doon sa Efeso ay kailangang kumilos na gaya ng isang bituin sa pagbibigay ng makalangit, na espirituwal na liwanag sa kongregasyon na doon sila ginawa ng banal na espiritu na mga pastol.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share