-
Mga Gawa ni Jehova—Dakila at Kamangha-manghaApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
14. Sino ang nakikita ni Juan na lumalabas mula sa santuwaryo, at ano ang ibinigay sa kanila?
14 Angkop lamang na pakinggan natin ang awit ng pinahirang mga mananaig na ito. Bakit? Sapagkat ipinahahayag nila sa lupa ang mga kahatulan na nilalaman ng mga mangkok na punô ng galit ng Diyos. Subalit hindi lamang basta tao ang nasasangkot sa pagbubuhos ng mga mangkok na ito, gaya ng patuloy na ipinakikita ni Juan: “At pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at ang santuwaryo ng tolda ng patotoo ay nabuksan sa langit, at ang pitong anghel na may pitong salot ay lumabas mula sa santuwaryo, nadaramtan ng malinis at maningning na lino at may bigkis na mga ginintuang pamigkis sa kanilang mga dibdib. At ang isa sa apat na nilalang na buháy ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong ginintuang mangkok na punô ng galit ng Diyos, na nabubuhay magpakailan-kailanman.”—Apocalipsis 15:5-7.
-
-
Mga Gawa ni Jehova—Dakila at Kamangha-manghaApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
16. (a) Ano ang nagpapakitang kuwalipikado para sa kanilang gawain ang pitong anghel? (b) Ano ang nagpapahiwatig na may iba pang nasasangkot sa malaking atas ng pagbubuhos ng makasagisag na mga mangkok?
16 Lubhang kuwalipikado sa gawaing ito ang mga anghel na ito. Nadaramtan sila ng malinis at maningning na lino, na nagpapakitang malinis at banal sila sa espirituwal, matuwid sa paningin ni Jehova. Isa pa, may suot silang mga ginintuang pamigkis. Karaniwan nang gumagamit ng mga pamigkis ang isa kapag naghahanda para sa isang atas na dapat gampanan. (Levitico 8:7, 13; 1 Samuel 2:18; Lucas 12:37; Juan 13:4, 5) Kaya ang mga anghel ay nabibigkisan upang gampanan ang isang atas. Bukod dito, ginintuan ang kanilang mga pamigkis. Sa sinaunang tabernakulo, ginagamit ang ginto bilang sagisag ng banal at makalangit na mga bagay. (Hebreo 9:4, 11, 12) Nangangahulugan ito na may gagampanang mahalaga at banal na atas ng paglilingkod ang mga anghel. May iba pang nasasangkot sa malaking atas na ito. Isa sa apat na nilalang na buháy ang nag-abot sa kanila ng mismong mga mangkok. Walang pagsalang ito ang unang nilalang na buháy, na nakakatulad ng isang leon, at sumasagisag sa katapangan at di-natitinag na lakas ng loob na kinakailangan sa paghahayag ng mga kahatulan ni Jehova.—Apocalipsis 4:7.
-