Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsisiwalat sa Sagradong Lihim
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 16. (a) Laban kanino nagpakita ng matinding pagkapoot ang mga lider ng Sangkakristiyanuhan? (b) Ano ang nangyari sa Sangkakristiyanuhan noong Edad Medya? (c) Binago ba ng Protestanteng himagsikan, o Repormasyon, ang apostatang mga paraan ng Sangkakristiyanuhan?

      16 Bagaman nag-aangking mga pastol ng kawan ng Diyos ang relihiyoso at sekular na mga lider ng Sangkakristiyanuhan, nagpakita sila ng matinding pagkapoot sa sinumang humihimok na basahin ang Bibliya o sa sinumang naglalantad ng di-makakasulatang mga gawain ng mga pinunong iyon. Si John Hus at ang tagapagsalin ng Bibliya na si William Tyndale ay pinag-usig at pinatay bilang mga martir. Noong malagim na panahon ng Edad Medya, umabot sa sukdulan ang kasamaan ng apostatang pamamahala sa pamamagitan ng Inkisisyong Katoliko. Sinumang humamon sa mga turo o awtoridad ng simbahan ay walang-awang sinupil, at libu-libong di-umano’y mga erehe ang pinahirapan hanggang mamatay o kaya’y sinunog sa tulos. Gayon sinikap ni Satanas na agad lupigin ang sinumang kabilang sa tunay na binhi ng tulad-babaing organisasyon ng Diyos. Nang maganap ang Protestanteng himagsikan, o Repormasyon (mula noong 1517 patuloy), marami sa mga relihiyong Protestante ang nagpakita ng gayunding pagkapanatiko. Nagkasala rin sila sa dugo nang patayin nila ang lahat ng nagsikap na maging tapat sa Diyos at kay Kristo. Oo, dumanak “ang dugo ng mga banal”!​—Apocalipsis 16:6; ihambing ang Mateo 23:33-36.

  • Pagsisiwalat sa Sagradong Lihim
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • [Mga larawan sa pahina 31]

      May mabigat na pagkakasala sa dugo ang relihiyon ng Sangkakristiyanuhan dahil sa pag-uusig at pagpatay sa mga nagsalin, nagbasa, o kahit na nagmay-ari lamang ng Bibliya

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share