Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sumasapit Na sa Katapusan ang Galit ng Diyos
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 17. (a) Paano nauugnay ang pagbubuhos ng ikalimang mangkok sa espirituwal na kadiliman na dati nang bumabalot sa kaharian ng mabangis na hayop? (b) Paano tumutugon ang mga tao sa pagbubuhos ng ikalimang mangkok ng galit ng Diyos?

      17 Ang kaharian ng mabangis na hayop na ito ay nasa espirituwal na kadiliman buhat pa nang umiral ito. (Ihambing ang Mateo 8:12; Efeso 6:11, 12.) Pinag-iibayo ng ikalimang mangkok ang pangmadlang paghahayag hinggil sa kadilimang ito. Iniharap pa nga ito sa dramatikong paraan anupat sa mismong trono ng mabangis na hayop ibinuhos ang mangkok na ito ng galit ng Diyos. “At nagdilim ang kaharian nito, at pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang mga dila dahil sa kanilang kirot, ngunit namusong sila sa Diyos ng langit dahil sa kanilang mga kirot at dahil sa kanilang mga sugat, at hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga gawa.”​—Apocalipsis 16:10b, 11.

  • Sumasapit Na sa Katapusan ang Galit ng Diyos
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 19. Kasuwato ng Apocalipsis 16:10, 11, ano ang idinudulot ng paglalantad kay Satanas sa madla bilang diyos ng sistemang ito ng mga bagay?

      19 Bilang tagapamahala ng sanlibutan, nagdulot si Satanas ng napakatinding kalungkutan at pagdurusa. Mga taggutom, digmaan, karahasan, krimen, pag-abuso sa droga, imoralidad, mga sakit na naililipat sa pagtatalik, pandaraya, relihiyosong pagpapaimbabaw​—ang mga ito at marami pang iba ang siyang pagkakakilanlan ng sistema ng mga bagay ni Satanas. (Ihambing ang Galacia 5:19-21.) Sa kabila nito, ang paglalantad kay Satanas sa madla bilang diyos ng sistemang ito ng mga bagay ay nagdulot ng paghihirap at kahihiyan sa mga namumuhay ayon sa kaniyang mga pamantayan. “Pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang mga dila dahil sa kanilang kirot,” lalung-lalo na sa Sangkakristiyanuhan. Nagagalit ang marami sapagkat inilalantad ng katotohanan ang kanilang istilo ng pamumuhay. Iniisip naman ng ilan na banta ito sa kanila, kaya pinag-uusig nila ang mga nagpapahayag nito. Tinatanggihan nila ang Kaharian ng Diyos at nilalait ang banal na pangalan ni Jehova. Nalalantad ang kanilang may-sakit at nakapandidiring espirituwal na kalagayan, kaya namumusong sila sa Diyos ng langit. Hindi, “hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga gawa.” Kaya hindi tayo makaaasa na magkakaroon ng maramihang pagkakumberte bago sumapit ang katapusan ng sistemang ito ng mga bagay.​—Isaias 32:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share