-
Ingatan ang Ating Pagkakakilanlan Bilang mga KristiyanoAng Bantayan—2005 | Pebrero 15
-
-
4. Paano idiniin ni Jesus ang pangangailangang ingatan natin ang ating malinaw na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano?
4 Gayunman, bilang nakaalay na mga lingkod ni Jehova, natatanto natin na magiging kalunus-lunos para sa sinuman sa atin—bata man o matanda—na maiwala ang ating Kristiyanong pagkakakilanlan. Ang matuwid na pangmalas sa ating pagiging Kristiyano ay nakasalig lamang sa mga pamantayan ni Jehova at sa mga inaasahan niya sa atin. Tutal, nilalang tayo ayon sa kaniyang larawan. (Genesis 1:26; Mikas 6:8) Ang ating malinaw na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano ay inihahalintulad ng Bibliya sa mga panlabas na kasuutan na nakikita ng lahat. Tungkol sa ating panahon, nagbabala si Jesus: “Narito! Ako ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw. Maligaya ang nananatiling gising at nag-iingat ng kaniyang mga panlabas na kasuutan, upang hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.”a (Apocalipsis 16:15) Hindi natin nais hubarin ang ating Kristiyanong mga katangian at pamantayan ng paggawi at hayaang hubugin tayo ng sanlibutan ni Satanas. Kung mangyayari iyan, maiwawala natin ang “mga panlabas na kasuutan” na ito. Nakapanghihinayang at nakahihiya ang gayong kahihinatnan.
-
-
Ingatan ang Ating Pagkakakilanlan Bilang mga KristiyanoAng Bantayan—2005 | Pebrero 15
-
-
a Ang mga salitang ito ay maaaring tumutukoy sa mga tungkulin ng opisyal sa gulod ng templo sa Jerusalem. Sa pagbabantay sa gabi, lumilibot siya sa templo upang tingnan kung ang mga bantay na Levita ay gising o tulog sa kanilang mga puwesto. Ang sinumang bantay na nasumpungang natutulog ay pinaghahahampas ng patpat, at maaaring sunugin ang kaniyang mga panlabas na kasuutan bilang nakahihiyang kaparusahan.
-