-
Purihin si Jah sa Kaniyang mga Paghatol!Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
1. Anong mga salita ang naririnig ni Juan na “gaya ng isang malakas na tinig ng isang malaking pulutong sa langit”?
WALA na ang Babilonyang Dakila! Talagang nakagagalak na balita ito. Hindi kataka-takang makarinig si Juan ng maliligayang kapahayagan ng papuri mula sa langit! “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malakas na tinig ng isang malaking pulutong sa langit. Sinabi nila: ‘Hallelujah!a Ang kaligtasan at ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan ay nauukol sa ating Diyos, sapagkat ang kaniyang mga kahatulan ay totoo at matuwid. Sapagkat naglapat siya ng kahatulan sa dakilang patutot na nagpasamâ sa lupa dahil sa kaniyang pakikiapid, at ipinaghiganti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa kaniyang kamay.’ At kaagad nilang sinabi sa ikalawang pagkakataon: ‘Hallelujah!b At ang usok mula sa kaniya ay patuloy na pumapailanlang magpakailan-kailanman.’”—Apocalipsis 19:1-3.
-
-
Purihin si Jah sa Kaniyang mga Paghatol!Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
3. Bakit karapat-dapat lamang sa dakilang patutot ang hatol sa kaniya?
3 Bakit karapat-dapat lamang sa ganitong hatol ang dakilang patutot? Ayon sa batas na ibinigay ni Jehova kay Noe—at sa pamamagitan niya ay sa buong sangkatauhan—kamatayan ang parusa sa walang-patumanggang pagbububo ng dugo. Muli itong binanggit sa Kautusan ng Diyos sa Israel. (Genesis 9:6; Bilang 35:20, 21) Bukod dito, sa ilalim ng gayong Kautusang Mosaiko, kamatayan ang kabayaran kapuwa ng pisikal at espirituwal na pangangalunya. (Levitico 20:10; Deuteronomio 13:1-5) Sa loob ng libu-libong taon, nagkasala sa dugo ang Babilonyang Dakila, at isa siyang napakasamang babaing mapakiapid. Halimbawa, ang pagbabawal ng Simbahang Romano Katoliko na mag-asawa ang mga pari ay nagbunga ng talamak na imoralidad sa marami sa kanila, at marami sa mga ito ang may AIDS na ngayon. (1 Corinto 6:9, 10; 1 Timoteo 4:1-3) Subalit ang mabigat na kasalanan niya, na “nagkapatung-patong hanggang sa langit,” ay ang kaniyang nakagigitlang espirituwal na pakikiapid—ang pagtuturo niya ng mga kasinungalingan at pakikipag-alyansa sa tiwaling mga pulitiko. (Apocalipsis 18:5) Palibhasa’y nailapat na sa kaniya ang kaparusahan, inuulit ngayon ng makalangit na pulutong ang ikalawang Hallelujah.
-