Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Araw ng Paghuhukom ng Diyos—Ang Maligayang Kalalabasan Nito!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 7, 8. (a) Anong balumbon ang binubuksan, at ano ang magaganap pagkatapos nito? (b) Sinu-sino ang hindi na bubuhaying muli?

      7 Sinasabi pa ni Juan: “Ngunit may iba pang balumbon na nabuksan; ito ang balumbon ng buhay. At ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan sila nang isa-isa ayon sa kanilang mga gawa.” (Apocalipsis 20:12b, 13) Tunay na isang makapigil-hiningang tanawin! ‘Ang dagat, ang kamatayan, at ang Hades’ ay may kani-kaniyang bahaging ginagampanan, subalit pansining hindi nagkakalayo ang kahulugan ng mga ito.a Sinabi ni Jonas na siya ay nasa Sheol, o Hades, noong nasa tiyan siya ng isda anupat nasa pusod ng dagat. (Jonas 2:2) Kapag ang isang tao ay biktima ng Adanikong kamatayan, malamang na nasa Hades din siya. Ang makahulang mga pananalitang ito ay matibay na garantiya na walang sinuman ang makakaligtaan.

  • Ang Araw ng Paghuhukom ng Diyos—Ang Maligayang Kalalabasan Nito!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • a Hindi kasama sa mga bubuhaying muli mula sa dagat ang balakyot na mga naninirahan sa lupa na nalipol sa Delubyo noong panahon ni Noe; ang pagpuksang iyon ay pangwakas, gaya rin ng paglalapat ng hatol ni Jehova sa malaking kapighatian.​—Mateo 25:41, 46; 2 Pedro 3:5-7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share