Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Lawa ng Apoy? Kapareho ba Ito ng Impiyerno o ng Gehenna?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
      • Kamatayan. (Apocalipsis 20:14) Hindi ito isang persona kundi lumalarawan sa isang kalagayan ng kawalang-ginagawa, kawalan ng buhay. (Eclesiastes 9:10) Hindi maaaring literal na sunugin sa apoy ang kamatayan.

  • Ano ang Lawa ng Apoy? Kapareho ba Ito ng Impiyerno o ng Gehenna?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Simbolo ng walang-hanggang pagkapuksa

      Sinasabi ng Bibliya na ang lawa ng apoy ay “nangangahulugan ng ikalawang kamatayan.” (Apocalipsis 20:14; 21:8) Ang unang uri ng kamatayan na binabanggit sa Bibliya ay resulta ng kasalanan ni Adan. Mapawawalang-bisa ng pagkabuhay-muli ang epekto ng kamatayang ito at sa dakong huli, lubusan itong aalisin ng Diyos.​—1 Corinto 15:21, 22, 26.

      Walang napapalaya sa makasagisag na lawa ng apoy

      Ang lawa ng apoy ay kumakatawan sa iba, o ikalawang, uri ng kamatayan. Bagaman tumutukoy rin ito sa kalagayan ng lubusang kawalang-ginagawa, naiiba ito dahil walang sinasabi ang Bibliya na pagkabuhay-muli mula sa ikalawang kamatayan. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na hawak ni Jesus “ang mga susi ng impiyerno at ng kamatayan,” na nagpapakitang may awtoridad siyang palayain ang mga taong dumanas ng kamatayan dahil sa kasalanan ni Adan. (Apocalipsis 1:18; 20:13, King James Version) Pero si Jesus o ang sinuman ay walang susi sa lawa ng apoy. Sumasagisag ang lawang iyon sa walang-hanggang kaparusahan, na ang ibig sabihin ay permanenteng pagkapuksa.​—2 Tesalonica 1:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share