Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nanghahawakang Mahigpit sa Pangalan ni Jesus
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 14. (a) Sa simula pa lamang, sino ang kinailangang labanan ng kongregasyong Kristiyano, at paano sila inilarawan ni apostol Pablo? (b) Anong pananalita ni Jesus ang dapat pakinggan ng sinumang may tendensiyang sumama sa isang grupong humihiwalay?

      14 Sa simula pa lamang, kinailangan na ng kongregasyong Kristiyano na labanan ang palalong mga apostata, na sa pamamagitan ng tuso at mapanlinlang na pananalita ay “lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi at mga dahilang ikatitisod na salungat sa turo” na inilalaan sa pamamagitan ng alulod ni Jehova. (Roma 16:17, 18) Sa halos lahat ng liham ni apostol Pablo, nagbabala siya hinggil sa panganib na ito.a Sa makabagong panahon, bagaman naisauli na ni Jesus ang tunay na kongregasyon sa Kristiyanong kadalisayan at pagkakaisa, nariyan pa rin ang panganib ng sektaryanismo. Kaya sinumang may tendensiyang sumama sa isang grupong humihiwalay, anupat bumubuo ng isang sekta, ay dapat makinig sa susunod na pananalita ni Jesus: “Kaya nga magsisi ka. Kung hindi, paririyan ako sa iyo nang madali, at makikipagdigma ako sa kanila sa pamamagitan ng mahabang tabak ng aking bibig.”​—Apocalipsis 2:16.

  • Nanghahawakang Mahigpit sa Pangalan ni Jesus
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 16. (a) Bakit dapat magsisi agad ang sinumang nag-aalinlangan dahil sa impluwensiya ng mga apostata? (b) Ano ang mangyayari sa mga tumatangging magsisi?

      16 Sinumang nag-aalinlangan dahil sa impluwensiya ng mga apostata ay dapat tumugon agad sa panawagan ni Jesus na magsisi! Dapat tanggihan na parang lason ang propaganda ng mga apostata! Ang saligan nito ay inggit at pagkapoot, kabaligtaran ng matuwid, malinis, at kaibig-ibig na mga katotohanang inilalaan ni Jesus sa kaniyang kongregasyon. (Lucas 12:42; Filipos 1:15, 16; 4:8, 9) Para sa mga ayaw magsisi, ang Panginoong Jesus ay tiyak na ‘makikipagdigma sa kanila sa pamamagitan ng mahabang tabak ng kaniyang bibig.’ Sinasala niya ang kaniyang bayan upang maingatan ang pagkakaisa na idinalangin niya noong huling gabing kasama niya ang kaniyang mga alagad sa lupa. (Juan 17:20-23, 26) Dahil sa pagtanggi ng mga apostata sa maibiging payo at tulong na iniaalok ng mga bituin na nasa kaniyang kanang kamay, hinahatulan at pinarurusahan sila ni Jesus “nang napakatindi,” at inihahagis sila sa “kadiliman sa labas.” Itinitiwalag sila upang huwag nang maging lebadura sa gitna ng bayan ng Diyos.​—Mateo 24:48-51; 25:30; 1 Corinto 5:6, 9, 13; Apocalipsis 1:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share