Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Maringal na Lunsod
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 6. (a) Paano inilalarawan ni Juan ang pagsukat sa lunsod, at ano ang ipinahihiwatig ng pagsukat dito? (b) Ano ang malamang na kahulugan ng paggamit ng panukat na “ayon sa panukat ng tao, na siya ring sa anghel”? (Tingnan ang talababa.)

      6 Ipinagpapatuloy ni Juan ang kaniyang ulat: “At ang isa na nakikipag-usap sa akin ay may hawak na panukat na isang ginintuang tambo, upang masukat niya ang lunsod at ang mga pintuang-daan nito at ang pader nito. At ang lunsod ay nakatayong parisukat, at ang haba nito ay kasinlaki ng lapad nito. At sinukat niya ng tambo ang lunsod, labindalawang libong estadyo; ang haba at ang lapad at ang taas nito ay magkakasukat. Gayundin, sinukat niya ang pader nito, isang daan at apatnapu’t apat na siko, ayon sa panukat ng tao, na siya ring sa anghel.” (Apocalipsis 21:15-17) Nang sukatin ang santuwaryo ng templo, garantiya ito na matutupad ang mga layunin ni Jehova may kinalaman dito. (Apocalipsis 11:1) Ngayon, ipinakikita ng pagsukat ng anghel sa Bagong Jerusalem na talagang hindi magbabago ang mga layunin ni Jehova may kinalaman sa maluwalhating lunsod na ito.a

      7. Ano ang kapuna-puna sa sukat ng lunsod?

      7 Tunay na kagila-gilalas ang lunsod na ito! Isang perpektong kubiko na 12,000 estadyo (mga 2,220 kilometro) ang perimetro, at napalilibutan ng isang pader na may taas na 144 na siko, o 64 na metro. Walang literal na lunsod ang maaaring maging ganito kalaki. Mga 14 na ulit ng makabagong Israel ang laki nito, at aabot ito sa taas na halos 560 kilometro hanggang sa kalawakan! Ang Apocalipsis ay isiniwalat sa pamamagitan ng mga tanda. Kaya ano ang ipinahihiwatig sa atin ng mga sukat na ito tungkol sa makalangit na Bagong Jerusalem?

      8. Ano ang ipinahihiwatig ng (a) pader ng lunsod na may taas na 144 na siko? (b) sukat ng lunsod na 12,000 estadyo? (c) pagiging hugis-perpektong kubiko ng lunsod?

      8 Ipinaaalaala sa atin ng mga pader na may taas na 144 na siko na ang lunsod ay binubuo ng 144,000 na inampon ng Diyos bilang kaniyang espirituwal na mga anak. Ang bilang na 12 na makikita sa sukat ng lunsod na 12,000 estadyo​—na magkakapareho ang haba, luwang, at taas​—ay ginagamit sa hula ng Bibliya upang sumagisag sa mga organisasyonal na kaayusan. Kaya ang Bagong Jerusalem ay isang napakaorganisadong kaayusan para sa pagsasakatuparan ng walang-hanggang layunin ng Diyos. Ang Bagong Jerusalem, kasama ng Hari nitong si Jesu-Kristo, ang organisasyon ng Kaharian ni Jehova. At ang hugis ng lunsod: isang perpektong kubiko. Sa templo ni Solomon, ang Kabanal-banalan, na kinaroroonan ng makasagisag na representasyon ng presensiya ni Jehova, ay perpektong kubiko. (1 Hari 6:19, 20) Kung gayon, angkop lamang na ang anyo ng Bagong Jerusalem, na nagliliwanag dahil sa kaluwalhatian mismo ni Jehova, ay isang perpekto at napakalaking kubiko! Perpekto ang pagkakabalanse ng lahat ng sukat nito. Walang kakulangan o depekto ang lunsod na ito.​—Apocalipsis 21:22.

  • Ang Maringal na Lunsod
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • a Ang paggamit ng panukat na “ayon sa panukat ng tao, na siya ring sa anghel” ay malamang na may kaugnayan sa bagay na ang lunsod ay binubuo ng 144,000, na mga tao noong una, subalit nagiging espiritung mga nilalang na kasama ng mga anghel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share