Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Maringal na Lunsod
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 19. (a) Paano inilalarawan ni Juan ang pagpapaagos ng Bagong Jerusalem ng mga pagpapala sa sangkatauhan? (b) Kailan umagos ang “ilog ng tubig ng buhay,” at paano natin nalaman?

      19 Ang maringal na Bagong Jerusalem ay magpapaagos ng dakilang mga pagpapala sa sangkatauhan sa lupa. Ito ang sumunod na nalaman ni Juan: “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, malinaw na gaya ng kristal, na umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero sa gitna ng malapad na daan nito.” (Apocalipsis 22:1, 2a) Kailan umagos ang “ilog” na ito? Yamang ‘nagmumula ito sa trono ng Diyos at ng Kordero,’ umagos lamang ito nang magsimula ang araw ng Panginoon noong 1914. Noon naganap ang pangyayaring inihayag ng paghihip sa ikapitong trumpeta at ang dakilang kapahayagan: “Ngayon ay naganap na ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang awtoridad ng kaniyang Kristo.” (Apocalipsis 11:15; 12:10) Sa panahon ng kawakasan, inaanyayahan ng espiritu at ng kasintahang babae ang mga wastong nakaayon na kumuha ng tubig ng buhay na walang bayad. Patuloy na makakakuha ang mga ito ng tubig mula sa ilog na ito hanggang sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay at, pagkatapos, hanggang sa bagong sanlibutan, kapag ang Bagong Jerusalem ay ‘bumabang galing sa langit mula sa Diyos.’​—Apocalipsis 21:2.

  • Ang Maringal na Lunsod
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 23. (a) Bakit angkop na ang ilog ng tubig ng buhay ay umagos sa gitna ng malapad na daan ng Bagong Jerusalem? (b) Anong pangako ng Diyos kay Abraham ang matutupad kapag saganang umagos ang tubig ng buhay?

      23 Sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari, ang kapakinabangan sa pantubos ay ikakapit nang lubusan sa pamamagitan ng pagkasaserdote ni Jesus at ng kaniyang 144,000 katulong na mga saserdote. Angkop kung gayon, na ang ilog ng tubig ng buhay ay umagos sa gitna ng malapad na daan ng Bagong Jerusalem na binubuo ng espirituwal na Israel. Ito at si Jesus ang bumubuo sa tunay na binhi ni Abraham. (Galacia 3:16, 29) Kung gayon, kapag ang tubig ng buhay ay saganang umagos sa gitna ng malapad na daan ng makasagisag na lunsod, magkakaroon ng lubos na pagkakataon ang “lahat ng bansa sa lupa” na pagpalain ang kanilang sarili sa pamamagitan ng binhi ni Abraham. Lubusang matutupad ang pangako ni Jehova kay Abraham.​—Genesis 22:17, 18.

      Mga Punungkahoy ng Buhay

      24. Ano ngayon ang nakikita ni Juan sa magkabilang pampang ng ilog ng tubig ng buhay, at saan lumalarawan ang mga ito?

      24 Sa pangitain ni Ezekiel, ang ilog ay naging isang malakas na agos, at nakita ng propeta na sa magkabilang pampang nito ay tumutubo ang lahat ng uri ng namumungang punungkahoy. (Ezekiel 47:12) Subalit ano naman ang nakikita ni Juan? Ito: “At sa panig na ito ng ilog at sa panig na iyon ay may mga punungkahoy ng buhay na nagluluwal ng labindalawang ani ng bunga, na nagbibigay ng kanilang mga bunga sa bawat buwan. At ang mga dahon ng mga punungkahoy ay para sa pagpapagaling sa mga bansa.” (Apocalipsis 22:2b) Ang “mga punungkahoy ng buhay” na ito ay malamang na lumalarawan din sa ilang paglalaan ni Jehova sa pagkakaloob ng buhay na walang hanggan sa masunuring sangkatauhan.

      25. Anong saganang paglalaan ang ginagawa ni Jehova para sa masunuring mga tao sa pangglobong Paraiso?

      25 Napakasagana nga ng paglalaan ni Jehova para sa masunuring mga tao! Hindi lamang sila makaiinom mula sa nakagiginhawang tubig kundi maaari pa silang pumitas ng sari-saring nakapagpapalusog na bunga mula sa mga punungkahoy na walang patid na namumunga. O, kung nakontento lamang sana ang ating unang mga magulang sa ganitong “kanais-nais” na paglalaan sa Paraiso ng Eden! (Genesis 2:9) Subalit naririto na ngayon ang isang pangglobong Paraiso, at gumagawa pa man din si Jehova ng paglalaan sa pamamagitan ng mga dahon ng makasagisag na punungkahoy para sa “pagpapagaling sa mga bansa.”c Ang nakagiginhawang paglalapat ng makasagisag na mga dahong ito ay higit na mabisa kaysa alinmang gamot na makukuha sa ngayon, mula man ito sa mga halaman o sa ibang pinagmulan, sapagkat magdudulot ito ng espirituwal at pisikal na kasakdalan sa sumasampalatayang sangkatauhan.

      26. Ano ang maaaring kabilang sa mga punungkahoy ng buhay, at bakit?

      26 Maaaring kabilang sa mga punungkahoy na iyon, na nasa tabi ng ilog at natutubigang mainam, ang 144,000 miyembro ng asawa ng Kordero. Samantalang nasa lupa, nakikinabang din sila mula sa paglalaan ng Diyos para sa buhay sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Kapansin-pansin, makahulang tinatawag na “malalaking punungkahoy ng katuwiran” ang inianak-sa-espiritung mga kapatid na ito ni Jesus. (Isaias 61:1-3; Apocalipsis 21:6) Nakapagluwal na sila ng saganang espirituwal na bunga sa kapurihan ni Jehova. (Mateo 21:43) At sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari, makikibahagi sila sa pagtulong sa mga tao na makinabang sa nagbibigay-buhay na mga paglalaan ni Jehova para sa “pagpapagaling sa mga bansa” mula sa kasalanan at kamatayan.​—Ihambing ang 1 Juan 1:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share