Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maging Maliligayang Mambabasa ng Aklat ng Apocalipsis
    Ang Bantayan—1999 | Disyembre 1
    • 16. Bakit isang partikular na dahilan ng kaligayahan ang pangwakas na mga kabanata ng Apocalipsis?

      16 Labis na matutuwa ang maliligayang mambabasa ng aklat ng Apocalipsis habang binabasa nila ang pangwakas na mga kabanata na naglalarawan ng ating maluwalhating pag-asa​—isang bagong langit at isang bagong lupa, alalaong baga’y, isang matuwid na pamahalaan ng Kaharian sa langit na mamamahala sa isang bago at nilinis na lipunan ng tao, na pawang sa ikapupuri ng “Diyos na Jehova na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Apocalipsis 21:22) Sa pagtatapos ng kamangha-manghang serye ng mga pangitain, sinabi ng mensaherong anghel kay Juan: “Ang mga salitang ito ay tapat at totoo; oo, si Jehova na Diyos ng kinasihang mga pahayag ng mga propeta ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kailangang maganap sa di-kalaunan. At, narito! ako ay dumarating nang madali. Maligaya ang sinumang tumutupad sa mga salita ng hula sa balumbong ito.”​—Apocalipsis 22:6, 7.

  • Maging Maliligayang Mambabasa ng Aklat ng Apocalipsis
    Ang Bantayan—1999 | Disyembre 1
    • 18, 19. (a) Bakit tiyak na darating si Jesus, at sa anong pag-asa na ipinahayag ni Juan tayo nakikibahagi? (b) Sa anong layunin ‘darating’ si Jehova?

      18 Sa aklat ng Apocalipsis, maraming ulit na ipinatalastas ni Jesus: “Ako ay paririyan sa iyo nang madali.” (Apocalipsis 2:16; 3:11; 22:7, 20a) Siya’y tiyak na darating upang ipataw ang kahatulan sa Babilonyang Dakila, sa makapulitikang sistema ni Satanas, at sa lahat ng taong ayaw pasakop sa soberanya ni Jehova, na ipinahahayag ngayon ng Mesiyanikong Kaharian. Sinasabayan natin ang tinig ni apostol Juan, na bumubulalas: “Amen! Pumarito ka, Panginoong Jesus.”​—Apocalipsis 22:20b.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share