Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 3, 4. Ano ang patuloy na sinasabi ng anghel kay Juan, at paano sinunod ng pinahirang nalabi ang kaniyang mga salita?

      3 Nagpapatuloy si Juan: “Sinabi rin niya sa akin: ‘Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula sa balumbong ito, sapagkat ang takdang panahon ay malapit na. Siya na gumagawa ng kalikuan, hayaan siyang gumawa pa ng kalikuan; at hayaang ang marumi ay maparumi pa; ngunit hayaang ang matuwid ay gumawa pa ng katuwiran, at hayaang ang banal ay mapabanal pa.’”​—Apocalipsis 22:10, 11.

  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 5. (a) Ano ang mangyayari kung nais ng mga tao na ipagwalang-bahala ang mga babala at payo sa Apocalipsis? (b) Paano dapat tumugon ang maaamo at matuwid?

      5 Kung nais ipagwalang-bahala ng mga tao ang mga babala at payo sa Apocalipsis, buweno, bahala sila! “Siya na gumagawa ng kalikuan, hayaan siyang gumawa pa ng kalikuan.” Kung iyon ang gusto nila, mamamatay sa paglulubalob sa karumihan ang mapagpalayaw na sangkatauhan sa panahong ito. Malapit nang lubusang ilapat ang mga hatol ni Jehova, pasimula sa pagkapuksa ng Babilonyang Dakila. Makinig nawang mabuti ang maaamo sa mga salita ng propeta: “Hanapin ninyo si Jehova . . . Hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan. Baka sakaling makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.” (Zefanias 2:3) Para naman sa mga nakaalay na kay Jehova, “hayaang ang matuwid ay gumawa pa ng katuwiran, at hayaang ang banal ay mapabanal pa.” Alam ng marurunong na walang anumang pansamantalang pakinabang mula sa kasalanan ang makapapantay sa walang-hanggang mga pagpapala na tatamasahin ng mga nagtataguyod ng katuwiran at kabanalan. Sinasabi ng Bibliya: “Patuloy na subukin kung kayo ay nasa pananampalataya, patuloy na patunayan kung ano nga kayo.” (2 Corinto 13:5) Ang kagantihang tatanggapin mo ay nakadepende sa landasing pipiliin at patuloy mong itataguyod.​—Awit 19:9-11; 58:10, 11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share