Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 6. Ano ang sinasabi ni Jehova sa hula sa pakikipag-usap niya sa kahuli-hulihang pagkakataon sa mga mambabasa ng Apocalipsis?

      6 Sa kahuli-hulihang pagkakataon sa hula, si Jehova, ang Haring walang hanggan, ay nakikipag-usap ngayon sa mga mambabasa ng Apocalipsis, sa pagsasabing: “Narito! Ako ay dumarating nang madali, at ang gantimpala na aking ibibigay ay nasa akin, upang iukol sa bawat isa ang ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. Maligaya yaong mga naglalaba ng kanilang mahabang damit, upang ang awtoridad na pumaroon sa mga punungkahoy ng buhay ay maging kanila at upang makapasok sila sa loob ng lunsod sa pamamagitan ng mga pintuang-daan nito. Sa labas ay naroon ang mga aso at ang mga nagsasagawa ng espiritismo at ang mga mapakiapid at ang mga mamamaslang at ang mga mananamba sa idolo at ang bawat isa na umiibig at gumagawa ng kasinungalingan.”​—Apocalipsis 22:12-15.

  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 8. (a) Sino lamang ang maaaring “pumaroon sa mga punungkahoy ng buhay,” at ano ang kahulugan nito? (b) Sa anong diwa “nilabhan [ng malaking pulutong] ang kanilang mahahabang damit,” at paano nila napananatili ang kanilang malinis na katayuan?

      8 Ang mga pinahirang Kristiyano lamang na totoong “naglalaba ng kanilang mahabang damit” upang maging malinis sa paningin ni Jehova ang may pribilehiyong “pumaroon sa mga punungkahoy ng buhay.” Samakatuwid nga, tinatanggap nila ang karapatan at titulo na magkamit ng imortal na buhay sa kanilang makalangit na tungkulin. (Ihambing ang Genesis 3:22-24; Apocalipsis 2:7; 3:4, 5.) Pagkamatay nila bilang mga tao, makapapasok na sila sa Bagong Jerusalem sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Papapasukin sila ng 12 anghel, samantalang hinahadlangan ng mga ito ang sinumang namumuhay sa kasinungalingan o karumihan bagaman nag-aangking may makalangit na pag-asa. Ang malaking pulutong din sa lupa ay ‘naglaba ng kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga iyon sa dugo ng Kordero’ at kailangan nilang mapanatili ang kanilang malinis na katayuan. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa kabalakyutan na laban dito’y nagbabala si Jehova, at ng pagsasapuso sa payo ni Jesus sa kaniyang pitong mensahe sa mga kongregasyon.​—Apocalipsis 7:14; kabanata 2 at 3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share