Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 15. Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus na “nagpapatotoo [siya] tungkol sa mga bagay na ito” at “ako ay dumarating nang madali”?

      15 Idinaragdag ngayon ni Jesus ang huling pampatibay-loob: “Siya na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito ay nagsasabi, ‘Oo; ako ay dumarating nang madali.’” (Apocalipsis 22:20a) Si Jesus ang “saksing tapat at totoo.” (Apocalipsis 3:14) Tiyak na totoo ang mga pangitain sa Apocalipsis sapagkat pinatototohanan niya ito. Paulit-ulit na idiniriin ni Jesus at ng Diyos na Jehova mismo ang katotohanan na dumarating sila nang “madali,” o sa lalong madaling panahon, at ito ang ikalimang pagkakataon na sinabi ito ni Jesus. (Apocalipsis 2:16; 3:11; 22:7, 12, 20) Ang ‘pagdating’ ay upang maglapat ng hatol sa dakilang patutot, sa pulitikal na “mga hari” at sa lahat ng iba pang sumasalansang sa “kaharian ng ating Panginoon[g Jehova] at ng kaniyang Kristo.”​—Apocalipsis 11:15; 16:14, 16; 17:1, 12-14.

      16. Sa pagkaalam na ang Diyos na Jehova at si Jesus ay dumarating nang madali, ano ang dapat na desidido mong gawin?

      16 Ang pagkaalam mo na dumarating nang madali ang Diyos na Jehova at si Jesus ay dapat magpasigla sa iyo na ingatang “malapit sa isipan ang pagkanaririto ng araw ni Jehova.” (2 Pedro 3:12) Ilusyon lamang ang anumang waring katatagan ng lupa sa ilalim ng sistema ng mga bagay ni Satanas. Pansamantala lamang ang anumang tagumpay na wari’y nakakamit ng langit ng makasanlibutang mga tagapamahala sa ilalim ni Satanas. Lumilipas ang mga bagay na ito. (Apocalipsis 21:1) Ang tanging bagay na mamamalagi ay masusumpungan kay Jehova, sa kaniyang Kaharian sa ilalim ni Jesu-Kristo, at sa kaniyang ipinangakong bagong sanlibutan. Huwag mo sanang kaliligtaan iyan!​—1 Juan 2:15-17.

  • Ikaw at ang Apocalipsis
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 19. Ano ang mga pangwakas na pangungusap ng may-edad nang apostol na si Juan, at paano ka tumutugon dito?

      19 Kaya kaisa ni Juan, marubdob tayong nananalangin: “Amen! Pumarito ka, Panginoong Jesus.” At sinabi pa ng may-edad nang apostol na si Juan: “Nawa’y mapasa mga banal ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Panginoong Jesu-Kristo.” (Apocalipsis 22:20b, 21) Sumainyo rin nawa ito, kayong lahat na nagbabasa ng publikasyong ito. Manampalataya ka nawa na malapit na ang dakilang kasukdulan ng Apocalipsis, upang makaisa ka namin sa taos-pusong “Amen!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share