-
Pagkamuhi sa “Malalalim na Bagay ni Satanas”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
8. (a) Ano ang kapahayagan ni Jesus tungkol sa “Jezebel” na nasa Tiatira? (b) Paano nakikita ang di-wastong impluwensiya ng kababaihan sa makabagong panahon?
8 Ganito pa ang sinabi ni Jesus sa matatanda sa Tiatira: “At binigyan ko siya ng panahon upang magsisi, ngunit ayaw niyang pagsisihan ang kaniyang pakikiapid. Narito! Malapit ko na siyang ihagis sa higaan ng karamdaman, at yaong mga nangangalunya sa kaniya tungo sa malaking kapighatian, malibang pagsisihan nila ang kanilang mga gawa.” (Apocalipsis 2:21, 22) Gaya ng maliwanag na pagdomina ng orihinal na Jezebel kay Ahab at paglaban kay Jehu, ang tagapuksang inatasan ng Diyos, malamang na sinisikap ding impluwensiyahan ng mga babaing ito ang mga asawang lalaki at matatanda. Lumilitaw na kinukunsinti ng matatanda sa Tiatira ang ganitong pangahas na impluwensiya ng mga uring Jezebel. Ipinahahayag dito ni Jesus ang isang mabigat na babala para sa kanila, at para din naman sa pandaigdig na kongregasyon ng bayan ni Jehova sa ngayon. Sa makabagong panahon, may ilang ganitong dominanteng babae na nanghikayat sa kani-kanilang asawa na mag-apostata at nagsulsol pa man din na sampahan ng kaso ang tapat na mga lingkod ni Jehova.—Ihambing ang Judas 5-8.
-
-
Pagkamuhi sa “Malalalim na Bagay ni Satanas”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
10. (a) Bakit hinahatulan si Jezebel at ang kaniyang mga anak? (b) Ano ang mapanganib na kalagayan ng nagiging mga anak ni Jezebel, at ano ang dapat gawin ng mga ito?
10 Tinutukoy ang “babaing iyon na si Jezebel,” nagpapatuloy si Jesus: “At ang kaniyang mga anak ay papatayin ko ng nakamamatay na salot, anupat malalaman ng lahat ng mga kongregasyon na ako ang siyang sumasaliksik ng mga bato at mga puso, at ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ang ayon sa inyong mga gawa.” (Apocalipsis 2:23) Si Jezebel at ang kaniyang mga anak ay binigyan ni Jesus ng panahon para magsisi, subalit patuloy silang gumagawi nang imoral kung kaya nararapat silang hatulan. Isang mabigat na mensahe ito para sa mga Kristiyano sa ngayon. Ang mga tumutulad kay Jezebel, babae man o lalaki, at sa gayo’y nagiging mga anak niya sa pamamagitan ng paglabag sa mga simulain ng Bibliya hinggil sa pagkaulo at moralidad o sa pamamagitan ng mapagmatigas na pagwawalang-bahala sa teokratikong kaayusan ay may malubhang espirituwal na karamdaman. Totoo, kung hihilingin ng isang ito sa matatanda sa kongregasyon na ipanalangin siya, “ang panalangin ng pananampalataya ay magpapagaling sa isa na may dinaramdam, at ibabangon siya ni Jehova”—kung mapagpakumbaba siyang gagawi kasuwato ng mga panalanging iyon. Subalit huwag iisipin ninuman na kaya niyang linlangin ang Diyos o si Kristo sa pamamagitan ng pagsisikap na pagtakpan ang imoral na paggawi o sa pamamagitan ng pakunwaring masigasig na paglilingkod.—Santiago 5:14, 15.
11. Paano tinutulungan ang mga kongregasyon ngayon na manatiling alisto laban sa pagpasok ng di-matuwid na impluwensiya ng kababaihan?
11 Nakatutuwa naman na alisto ang karamihan sa mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa ngayon hinggil sa panganib na ito. Laging mapagbantay ang matatanda sa paglitaw ng mga tendensiyang sumuway sa teokratikong mga kaayusan at gumawa ng kasalanan. Sinisikap nilang tulungan kapuwa ang mga lalaki at babae na nasa panganib upang mapatibay ng mga ito ang kanilang espirituwalidad at maibalik sila sa ayos bago mahuli ang lahat. (Galacia 5:16; 6:1) Maibigin at matatag na hinahadlangan ng Kristiyanong mga tagapangasiwang ito ang anumang pagsisikap ng mga babae na magpangkat-pangkat sa layuning magtaguyod ng mga kilusang gaya ng women’s liberation. Bukod dito, may angkop na mga payong inilalaan sa pana-panahon sa pamamagitan ng mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova.a
12. Paano tinutularan ng uring Juan sa ngayon ang sigasig ni Jehu?
12 Gayunpaman, kapag malubhang imoralidad ang nasasangkot, lalo na kapag ito’y nakagawian na, dapat itiwalag ang di-nagsisising mga nagkasala. Maaalaala natin ang sigasig ni Jehu sa pag-aalis ng lahat ng bakas ng impluwensiya ni Jezebel sa Israel. Kasuwato nito, kumikilos nang may katatagan ang uring Juan sa ngayon, na nagsisilbing halimbawa sa kanilang “Jehonadab” na mga kasamahan at sa gayo’y pinatutunayang ibang-iba sila sa kunsintidor na mga ministro ng Sangkakristiyanuhan.—2 Hari 9:22, 30-37; 10:12-17.
-