Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nasa Aklat Ba ng Buhay ang Pangalan Mo?
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 10. Anong nakapagpapatibay na bagay ang napansin ni Jesus sa kongregasyon ng Sardis, at paano ito dapat makaapekto sa atin?

      10 Lubhang nakapagpapatibay ang susunod na mga salita ni Jesus sa kongregasyon ng Sardis. Sinabi niya: “Gayunpaman, mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nagparungis ng kanilang mga panlabas na kasuutan, at lalakad silang kasama ko na nakaputi, sapagkat sila ay karapat-dapat. Siya na nananaig ay gayon magagayakan ng mga puting panlabas na kasuutan; at hindi ko sa anumang paraan papawiin ang kaniyang pangalan mula sa aklat ng buhay, kundi kikilalanin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama at sa harap ng kaniyang mga anghel.” (Apocalipsis 3:4, 5) Hindi ba’t napasisigla tayo ng mga salitang ito at napatitibay ang ating determinasyon na maging tapat? Kung magpapabaya ang lupon ng matatanda, ang kongregasyon sa kabuuan ay maaaring makatulog nang mahimbing sa espirituwal. Sa kabila nito, may ilang indibiduwal sa kongregasyon na maaaring buong-tapang na magsikap na panatilihing malinis at walang dungis ang kanilang pagkakakilanlang Kristiyano at sa gayo’y patuloy na magtaglay ng mabuting pangalan sa harap ni Jehova.​—Kawikaan 22:1.

  • Nasa Aklat Ba ng Buhay ang Pangalan Mo?
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 13. Anu-anong pagpapala ang naghihintay sa mga pinahirang Kristiyano na hindi “nagparungis ng kanilang mga panlabas na kasuutan”?

      13 Ang katuparan ng kamangha-manghang pag-asa ay makakamit ng mga taga-Sardis na mananatiling tapat hanggang wakas at hindi magpaparungis ng kanilang pagkakakilanlang Kristiyano. Matapos itatag ang Mesiyanikong Kaharian ni Jesus noong 1914, binuhay-muli sila bilang espiritu at bilang mga mananaig ay ginayakan sila ng puting mga panlabas na kasuutan na sagisag ng kanilang walang-kapintasan at walang-dungis na katuwiran. Yamang lumakad sila sa masikip na daang umaakay sa buhay, tatamasahin nila ang walang-hanggang gantimpala.​—Mateo 7:14; tingnan din ang Apocalipsis 6:9-11.

      Magpakailanman sa Aklat ng Buhay!

      14. Ano ang “aklat ng buhay,” at kaninong mga pangalan ang nakatala roon?

      14 Ano ang “aklat ng buhay,” at kaninong mga pangalan ang mananatili roon? Ang aklat, o balumbon, ng buhay ay tumutukoy sa rekord ng mga lingkod ni Jehova na napapahanay upang tumanggap ng buhay na walang hanggan. (Malakias 3:16) Dito sa Apocalipsis, pangalan ng mga pinahirang Kristiyano ang espesipikong tinutukoy. Subalit nakatala rin doon ang pangalan ng mga nakahanay ukol sa walang-hanggang buhay sa lupa. Karagdagan pa, ang mga pangalan ay maaaring ‘pawiin’ mula sa aklat na iyon. (Exodo 32:32, 33) Gayunpaman, kung mananatili sa aklat ng buhay ang mga pangalan ng mga kabilang sa uring Juan hanggang sa panahon ng kanilang kamatayan, tatanggap sila ng imortal na buhay sa langit. (Apocalipsis 2:10) Ito ang mga pangalan na bukod-tanging kikilalanin ni Jesus sa harap ng kaniyang Ama at sa harap ng Kaniyang mga anghel. Anong dakilang gantimpala!

      15. Ano ang dapat gawin ng mga kabilang sa malaking pulutong upang hindi na mabura pa sa aklat ng buhay ang kanilang pangalan?

      15 Makaliligtas sa malaking kapighatian ang mga kabilang sa malaking pulutong na ang pangalan ay nakasulat din sa aklat ng buhay. Kung iingatan nila ang kanilang pananampalataya sa buong panahon ng Milenyong Paghahari ni Jesus hanggang sa pangwakas na pagsubok na kasunod nito, gagantimpalaan sila ng buhay na walang hanggan sa Paraiso sa lupa. (Daniel 12:1; Apocalipsis 7:9, 14; 20:15; 21:4) Kung gayon, hindi na mabubura pa sa aklat ng buhay ang kanilang pangalan. Ngayong naunawaan mo na kung ano ang inihaharap dito sa pamamagitan ng banal na espiritu, hindi ka ba nananabik na tumugon sa payong inulit ni Jesus: “Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon”?​—Apocalipsis 3:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share