Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 10. Anong pampatibay-loob ang ibinibigay ni Jesus sa kongregasyon ng Filadelfia?

      10 Yamang galing ito sa isa na may gayong awtoridad, ang mga salita ni Jesus sa mga Kristiyano sa Filadelfia ay tiyak na nagdulot ng pantanging kaaliwan! Pinapupurihan niya sila, na sinasabi: “Alam ko ang iyong mga gawa​—narito! naglagay ako sa harap mo ng isang bukás na pinto, na walang sinumang makapagsasara​—na mayroon kang kaunting kapangyarihan, at iningatan mo ang aking salita at hindi nagbulaan sa aking pangalan.” (Apocalipsis 3:8) Ang kongregasyon ay aktibo, at isang pintuan ang nabuksan sa kanila​—walang pagsalang isang bukás na pagkakataon sa paglilingkod sa ministeryo. (Ihambing ang 1 Corinto 16:9; 2 Corinto 2:12.) Kaya pinasisigla ni Jesus ang kongregasyon na lubusang samantalahin ang pagkakataong mangaral. Nakapagbata sila at naipakitang may sapat silang lakas, sa tulong ng espiritu ng Diyos, upang ipagpatuloy ang karagdagan pang “mga gawa” sa paglilingkod kay Jehova. (2 Corinto 12:10; Zacarias 4:6) Sinunod nila ang mga utos ni Jesus at hindi nila itinatwa si Kristo, sa salita man o sa gawa.

  • “Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 14. Paano kapansin-pansing natupad ang Isaias 49:23 at Zacarias 8:23 sa makabagong panahon?

      14 Sa makabagong panahon, nagkaroon ng kapansin-pansing katuparan ang mga hulang gaya ng Isaias 49:23 at Zacarias 8:23. Dahil sa pangangaral ng uring Juan, napakaraming pumasok sa bukás na pinto ng paglilingkod sa Kaharian.b Ang karamihan sa kanila ay nagsilabas sa Sangkakristiyanuhan, na binubuo ng mga relihiyong may-kasinungalingang nag-aangkin na sila ang espirituwal na Israel. (Ihambing ang Roma 9:6.) Nilabhan ng mga kabilang sa malaking pulutong ang kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugong inihain ni Jesus. (Apocalipsis 7:9, 10, 14) Palibhasa’y nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ni Kristo, umaasa silang magmana ng mga pagpapala nito sa lupa. Pumaparoon sila sa pinahirang mga kapatid ni Jesus at ‘yumuyukod’ sa kanila sa espirituwal na diwa, sapagkat ‘narinig nila na ang Diyos ay sumasakanila.’ Pinaglilingkuran nila ang mga pinahirang ito, at nakikipagkaisa sila sa mga ito sa pandaigdig na samahan ng magkakapatid.​—Mateo 25:34-40; 1 Pedro 5:9.

  • “Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • b Patuloy na idiniriin ng magasing Bantayan, na inilalathala ng uring Juan, ang pagkaapurahan na samantalahin ang pagkakataong ito at makibahagi nang lubusan sa gawaing pangangaral; halimbawa, tingnan ang mga artikulong “Ihayag ng Lahat ang Kaluwalhatian ni Jehova” at “Sa Buong Lupa ay Lumabas ang Kanilang Tinig” sa Enero 1, 2004, na isyu ng Ang Bantayan. Sa isyu ng Hunyo 1, 2004 na may artikulong “Pinagpapala ang mga Nagbibigay ng Kaluwalhatian sa Diyos,” idiniin ang pagpasok sa “bukás na pinto” ng buong-panahong paglilingkod. Sa loob lamang ng isang buwan noong 2005, isang pinakamataas na bilang na 1,093,552 ang naglingkod bilang payunir.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share