-
“Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
17 Noong 1918, kinailangang harapin ng uring Juan ng mga pinahirang Kristiyano—gaya ng matatag na kongregasyon ng Filadelfia—ang pagsalansang mula sa makabagong-panahong “sinagoga ni Satanas.” Ang mga tagapamahala ay may-katusuhang minaniobra ng mga lider ng relihiyon ng Sangkakristiyanuhan, na nag-aangking espirituwal na mga Judio, upang supilin ang mga tunay na Kristiyano. Ngunit pinagsikapan ng mga Kristiyanong ito na ‘ingatan ang salita tungkol sa pagbabata ni Jesus’; kaya sa pamamagitan ng napakahalagang “kaunting kapangyarihan,” o espirituwal na tulong, nakapagbata sila at pinasiglang pumasok sa pintuang nakabukas ngayon para sa kanila. Sa anong paraan?
“Isang Bukás na Pinto”
18. Anong paghirang ang ginawa ni Jesus noong 1919, at paano naging gaya ng tapat na katiwala ni Hezekias ang kaniyang mga hinirang?
18 Noong 1919, tinupad ni Jesus ang kaniyang pangako at kinilala ang maliit na grupo ng tunay na mga pinahirang Kristiyano bilang kaniyang “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45-47) Tumanggap sila ng pribilehiyong katulad niyaong sa tapat na katiwalang si Eliakim noong panahon ni Haring Hezekias.d Sinabi ni Jehova tungkol kay Eliakim: “Iaatang ko ang susi ng sambahayan ni David sa kaniyang balikat, at siya ay magbubukas na hindi isasara ninuman, at siya ay magsasara na hindi bubuksan ninuman.” Bumalikat ng mabibigat na pananagutan si Eliakim alang-alang kay Hezekias, ang maharlikang anak ni David. Gayundin sa ngayon, “ang susi ng sambahayan ni David” ay iniatang sa balikat ng pinahirang uring Juan sa diwa na ipinagkatiwala sa kanila ang mga kapakanan ng Mesiyanikong Kaharian dito sa lupa. Pinalakas ni Jehova ang kaniyang mga lingkod para sa pribilehiyong ito, na dinaragdagan ang kanilang kaunting kapangyarihan upang maging dinamikong lakas na sapat upang maisagawa ang napakalawak at pambuong-daigdig na pagpapatotoo.—Isaias 22:20, 22; 40:29.
19. Paano ginampanan ng uring Juan ang mga pananagutang ibinigay sa kanila ni Jesus noong 1919, at ano ang naging resulta?
19 Mula noong 1919 patuloy, bilang pagsunod sa halimbawa ni Jesus, sinimulan ng pinahirang nalabi ang puspusang kampanya ng malawakang paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian. (Mateo 4:17; Roma 10:18) Bilang resulta, may ilan na kabilang sa makabagong sinagoga ni Satanas, ang Sangkakristiyanuhan, na lumapit sa pinahirang nalabi, nagsisi, at ‘yumukod’ bilang pagkilala sa awtoridad ng alipin. Nagsimula na rin silang maglingkod kay Jehova kaisa ng nakatatandang mga miyembro ng uring Juan. Nagpatuloy ito hanggang sa matipon ang kabuuang bilang ng mga pinahirang kapatid ni Jesus. Pagkaraan nito, “isang malaking pulutong . . . mula sa lahat ng mga bansa” ang dumating upang ‘yumukod’ sa pinahirang alipin na ito. (Apocalipsis 7:3, 4, 9) Ang alipin at ang malaking pulutong na ito ay magkasama ngayong naglilingkod bilang isang kawan ng mga Saksi ni Jehova.
-
-
“Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
25. Paano maikakapit ng bawat indibiduwal na Kristiyano sa ngayon ang simulain sa payo na ibinigay ni Jesus sa kongregasyon ng Filadelfia?
25 Kaylaking pampatibay-loob ng mensaheng ito sa tapat na mga Kristiyano sa Filadelfia! At tiyak na may mapuwersang aral ito para sa uring Juan sa ngayon, sa panahon ng araw ng Panginoon. Subalit mahalaga ang mga simulain nito para sa bawat indibiduwal na Kristiyano, kabilang man siya sa mga pinahiran o sa mga ibang tupa. (Juan 10:16) Makabubuting patuloy na magluwal ang bawat isa sa atin ng mga bunga ng Kaharian gaya ng mga Kristiyanong iyon sa Filadelfia. Tayong lahat ay may kaunting kapangyarihan sa paanuman. Lahat tayo ay may magagawa sa paglilingkod kay Jehova. Gamitin natin ang kapangyarihang ito! Hinggil sa karagdagang mga pribilehiyo sa Kaharian, maging alisto tayo sa pagpasok sa anumang pinto na nakabukas sa atin. Maaari pa nga nating ipanalangin kay Jehova na buksan ang gayong pintuan para sa atin. (Colosas 4:2, 3) Habang sumusunod tayo sa halimbawa ni Jesus ng pagbabata at nananatiling tapat sa kaniyang pangalan, maipakikita natin na tayo rin ay may taingang nakikinig sa sinasabi ng banal na espiritu ng Diyos sa mga kongregasyon.
-