Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • “Yuyukod Sila sa Iyo”

      11. Anong pagpapala ang ipinangako ni Jesus sa mga Kristiyano, at paano ito natupad?

      11 Kaya pinangangakuan sila ni Jesus ng pagpapala: “Narito! Ibibigay ko yaong mga mula sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila ay mga Judio, at gayunma’y hindi sila gayon kundi nagsisinungaling​—narito! papupuntahin ko sila at pangangayupapain sa harap ng iyong mga paa at ipaaalam sa kanila na inibig kita.” (Apocalipsis 3:9) Marahil, gaya sa Smirna, ang kongregasyon ay nagkaproblema rin sa mga Judiong tagaroon. Tinutukoy ni Jesus ang mga ito na “sinagoga ni Satanas.” Ngunit sa paanuman, matatanto ng ilan sa mga Judiong ito na totoo nga ang ipinangangaral ng mga Kristiyano tungkol kay Jesus. Malamang na ang ‘pangangayupapa’ nila ay gaya ng pagkakalarawan ni Pablo sa 1 Corinto 14:24, 25, anupat aktuwal silang magsisisi at magiging mga Kristiyano, na lubusang nagpapahalaga sa dakilang pag-ibig ni Jesus sa pagbibigay ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa kaniyang mga alagad.​—Juan 15:12, 13.

      12. Bakit malamang na magigitla ang mga miyembro ng sinagogang Judio sa Filadelfia kapag nalaman nilang ang ilan sa kanila ay “yuyukod” sa Kristiyanong komunidad sa lugar nila?

      12 Malamang na magigitla ang mga miyembro ng sinagogang Judio sa Filadelfia kapag nalaman nilang ang ilan sa kanila ay ‘mangangayupapa’ sa Kristiyanong komunidad sa lugar nila. Palibhasa’y maraming di-Judio ang tiyak na nasa kongregasyong iyan, kabaligtaran ang inaasahan ng mga Judio na mangyayari. Bakit? Sapagkat inihula ni Isaias: “[Ang di-Judiong] mga hari ay magiging mga tagapag-alaga para sa iyo [ang bayan ng Israel], at ang kanilang mga prinsesa ay mga yayang babae para sa iyo. Yuyukod sila sa iyo habang ang mga mukha ay nakaharap sa lupa.” (Isaias 49:23; 45:14; 60:14) Sa ganito ring diwa, si Zacarias ay kinasihang sumulat: “Mangyayari sa mga araw na iyon na sampung lalaki [mga di-Judio] mula sa lahat ng wika ng mga bansa ang tatangan, oo, tatangan sila sa laylayan ng lalaki na isang Judio, na sinasabi: ‘Yayaon kaming kasama ninyo, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay sumasainyo.’” (Zacarias 8:23) Oo, ang mga di-Judio ang yuyukod sa mga Judio at hindi ang kabaligtaran!

      13. Sino ang mga Judio na makararanas ng katuparan ng mga hula na ipinatutungkol sa sinaunang Israel?

      13 Ang mga hulang iyon ay ipinatutungkol sa piling bayan ng Diyos. Nang bigkasin ang mga hulang ito, nasa gayong marangal na posisyon ang Israel sa laman. Pero itinakwil ni Jehova ang bansang Judio nang tanggihan nila ang Mesiyas. (Mateo 15:3-9; 21:42, 43; Lucas 12:32; Juan 1:10, 11) Noong Pentecostes 33 C.E., bilang kahalili nila ay pinili niya ang tunay na Israel ng Diyos, ang kongregasyong Kristiyano. Espirituwal na mga Judio ang mga miyembro nito na ang tunay na pagtutuli ay yaong sa puso. (Gawa 2:1-4, 41, 42; Roma 2:28, 29; Galacia 6:16) Mula noon, makababalik lamang ang indibiduwal na mga Judio sa laman sa sinang-ayunang kaugnayan kay Jehova kung mananampalataya sila kay Jesus bilang Mesiyas. (Mateo 23:37-39) Maliwanag na malapit na itong mangyari sa ilang indibiduwal sa Filadelfia.a

      14. Paano kapansin-pansing natupad ang Isaias 49:23 at Zacarias 8:23 sa makabagong panahon?

      14 Sa makabagong panahon, nagkaroon ng kapansin-pansing katuparan ang mga hulang gaya ng Isaias 49:23 at Zacarias 8:23. Dahil sa pangangaral ng uring Juan, napakaraming pumasok sa bukás na pinto ng paglilingkod sa Kaharian.b Ang karamihan sa kanila ay nagsilabas sa Sangkakristiyanuhan, na binubuo ng mga relihiyong may-kasinungalingang nag-aangkin na sila ang espirituwal na Israel. (Ihambing ang Roma 9:6.) Nilabhan ng mga kabilang sa malaking pulutong ang kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugong inihain ni Jesus. (Apocalipsis 7:9, 10, 14) Palibhasa’y nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ni Kristo, umaasa silang magmana ng mga pagpapala nito sa lupa. Pumaparoon sila sa pinahirang mga kapatid ni Jesus at ‘yumuyukod’ sa kanila sa espirituwal na diwa, sapagkat ‘narinig nila na ang Diyos ay sumasakanila.’ Pinaglilingkuran nila ang mga pinahirang ito, at nakikipagkaisa sila sa mga ito sa pandaigdig na samahan ng magkakapatid.​—Mateo 25:34-40; 1 Pedro 5:9.

  • “Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 17 Noong 1918, kinailangang harapin ng uring Juan ng mga pinahirang Kristiyano​—gaya ng matatag na kongregasyon ng Filadelfia​—ang pagsalansang mula sa makabagong-panahong “sinagoga ni Satanas.” Ang mga tagapamahala ay may-katusuhang minaniobra ng mga lider ng relihiyon ng Sangkakristiyanuhan, na nag-aangking espirituwal na mga Judio, upang supilin ang mga tunay na Kristiyano. Ngunit pinagsikapan ng mga Kristiyanong ito na ‘ingatan ang salita tungkol sa pagbabata ni Jesus’; kaya sa pamamagitan ng napakahalagang “kaunting kapangyarihan,” o espirituwal na tulong, nakapagbata sila at pinasiglang pumasok sa pintuang nakabukas ngayon para sa kanila. Sa anong paraan?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share