Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Karingalan ng Makalangit na Trono ni Jehova
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • Ang Nagniningning na Presensiya ni Jehova

      4. (a) Ano ang kahulugan ng pangitain ni Juan para sa mga pinahirang Kristiyano? (b) Ano ang kahulugan ng pangitain para sa mga may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa?

      4 Ano ang nakikita ni Juan? Makinig tayo habang ibinabahagi niya sa atin ang kaniyang kagila-gilalas na karanasan: “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay kaagad akong napasakapangyarihan ng espiritu: at, narito! isang trono ang nasa kinalalagyan nito sa langit, at may isang nakaupo sa trono.” (Apocalipsis 4:2) Sa isang iglap, nakita ni Juan sa tulong ng banal na espiritu ang mismong trono ni Jehova, na para bang aktuwal na naroroon siya sa harap ng Kaniyang presensiya. Talagang kapana-panabik ito para kay Juan! Dito’y patiunang ipinakita kay Juan ang kamangha-manghang tanawin sa mismong mga langit kung saan nakalaan para sa kaniya at sa iba pang pinahirang Kristiyano ang “isang walang-kasiraan at walang-dungis at walang-kupas na mana.” (1 Pedro 1:3-5; Filipos 3:20) May malalim na kahulugan din ang pangitain ni Juan para sa mga may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa. Tinutulungan sila nito na maunawaan ang kaluwalhatian ng presensiya ni Jehova at ang makalangit na kaayusan ng pamamahala na ginagamit ni Jehova sa paghatol sa mga bansa at pagkatapos ay sa pagpatnubay naman sa buhay ng mga tao sa lupa. Si Jehova ay talagang isang Diyos na napakahusay mag-organisa!

      5. Anong realidad na isinasagisag ng takip ng kaban ng tipan ang nakikita ni Juan?

      5 Ang karamihan sa mga naoobserbahan ni Juan doon sa langit ay katulad ng mga bahagi ng tabernakulo sa ilang. Itinayo ito mga 1,600 taon ang kaagahan bilang santuwaryo ng tunay na pagsamba ng mga Israelita. Nasa Banal ng mga Banal ng tabernakulong iyon ang kaban ng tipan, at si Jehova mismo ay nagsasalita mula sa ibabaw ng takip ng Kaban na iyon na yari sa purong ginto. (Exodo 25:17-22; Hebreo 9:5) Sa gayon, ang takip ng Kaban ay nagsilbing sagisag ng trono ni Jehova. Ang realidad ng makasagisag na larawang iyon ang nakikita ngayon ni Juan: ang Soberanong Panginoong Jehova mismo na nakaupo sa walang-kapantay na karingalan ng kaniyang matayog at makalangit na trono!

  • Ang Karingalan ng Makalangit na Trono ni Jehova
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • [Buong-pahinang larawan sa pahina 75]

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share