Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pagkanaririto ng Mesiyas at ang Kaniyang Paghahari
    Ang Bantayan—1992 | Oktubre 1
    • Ang Paraan ng Pagbabalik ni Kristo

      3. Ano ang paniniwala ng maraming tao tungkol sa pagbabalik ni Kristo?

      3 Sang-ayon sa aklat na An Evangelical Christology, “sa ikalawang pagparito o pagbabalik ni Kristo (parousia) itinatatag ang kaharian ng Diyos, sa wakas, hayagan, at sa walang-hanggan.” Marami ang naniniwala na sa pagbabalik ni Kristo ay hayagang makikita siya, literal na makikita ng lahat na nasa planeta. Upang umalalay sa paniniwalang ito, binabanggit ng marami ang Apocalipsis 1:7, na kababasahan: “Narito! Siya’y pumaparito sa mga alapaap, at makikita siya ng bawat mata, at ng nagsiulos sa kaniya.” Subalit ang talata bang ito ay dapat ipakahulugan nang literal?

      4, 5. (a) Papaano natin nalalaman na ang Apocalipsis 1:7 ay hindi dapat ipakahulugan na literal? (b) Papaano pinatutunayan ng sariling pananalita ni Jesus ang ganitong pagkaunawa?

      4 Tandaan, ang aklat ng Apocalipsis ay inihaharap “sa pamamagitan ng mga tanda.” (Apocalipsis 1:1) Kung gayon, ang talatang ito ay tiyak na makasagisag; sapagkat kung hindi, papaano makikita ang pagbabalik ni Kristo “ng nagsiulos sa kaniya”? Sila’y halos 20 siglo nang patay! Isa pa, sinabi ng mga anghel na si Kristo ay babalik “sa paraang gaya rin” ng kaniyang pag-alis. Buweno, papaano ba siya lumisan? Milyun-milyon ba ang nagmamasid? Hindi, iilan lamang na mga tapat ang nakasaksi sa pangyayari. At nang makipag-usap sa kanila ang mga anghel, ang mga apostol ba ay literal na nagbabantay kay Kristo sa paglalakbay patungo sa langit? Hindi, isang alapaap ang tumakip upang hindi makita si Jesus. Pagkaraan ng sandali, tiyak na siya’y pumasok na sa espiritung kalangitan bilang isang kinapal na espiritu, di-nakikita ng mga mata ng tao. (1 Corinto 15:50) Sa gayon, sa kalakhan, ang nakita lamang ng mga apostol ay ang pasimula ng paglalakbay ni Jesus; hindi nila maaaring bantayan ang katapusan niyaon, ang kaniyang pagbabalik sa makalangit na presensiya ng kaniyang Ama, si Jehova. Ito’y mauunawaan lamang nila sa pamamagitan ng kanilang mga mata ng pananampalataya.​—Juan 20:17.

      5 Itinuturo ng Bibliya na si Jesus ay bumabalik sa ganoon ding paraan. Si Jesus mismo ay nagsabi mga ilang saglit lamang bago siya namatay: “Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan.” (Juan 14:19) Sinabi rin niya na “ang kaharian ng Diyos ay hindi paririto na magpapakita.” (Lucas 17:20) Sa anong diwa, kung gayon, ‘makikita siya ng bawat mata’? Upang masagot iyan, ang kailangan muna natin ay isang malinaw na pagkaunawa sa salita na ginamit ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod may kaugnayan sa kaniyang pagbabalik.

      6. (a) Bakit ang mga salitang gaya ng “pagbabalik,” “pagdating,” “pagdatal,” at “pagparito” ay hindi sapat na mga pagkasalin ng salitang Griego na pa·rou·siʹa? (b) Ano ang nagpapakita na ang pa·rou·siʹa, o “pagkanaririto,” ay lalong matagal kaysa isang pangyayaring saglit lamang?

      6 Ang totoo ay, higit pa ang ginagawa ni Kristo kaysa basta “pagbabalik” lamang. Ang salitang iyan, gaya ng “pagparito,” “pagdatal,” o “pagdating,” ay nagpapahiwatig ng isang nag-iisang pangyayari sa isang saglit. Subalit ang salitang Griego na ginamit ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod ay higit pa ang ibig sabihin. Ang salita ay pa·rou·siʹa, na ang literal na kahulugan ay “pagiging magkakaagapay” o “pagkanaririto.” Karamihan ng mga iskolar ay sumasang-ayon na sa salitang ito ay nagkakasama hindi lamang ang pagdating kundi pati ang kasunod na presensiya​—tulad halimbawa sa isang opisyal na pagdalaw ng isang may maharlikang katungkulan. Ang presensiyang ito ay hindi lamang isang saglit na pangyayari; ito ay isang natatanging panahon, isang palatandaang yugto ng panahon. Sa Mateo 24:37-39, sinabi ni Jesus na ang “pagkanaririto [pa·rou·siʹa] ng Anak ng tao” ay makakatulad ng “mga araw ni Noe” na humantong sa Baha. Si Noe ay gumagawa ng daong at nagbababala sa mga balakyot sa loob ng mga dekada bago sumapit ang Baha at lumipol sa balakyot na sistemang iyon ng sanlibutan. Kung gayon, ang di-nakikitang pagkanaririto ni Kristo ay tatagal din nang isang yugto ng mga dekada bago humantong ito sa isang malawakang pagkapuksa.

      7. (a) Ano ang nagpapatunay na ang pa·rou·siʹa ay hindi makikita ng mga mata ng tao? (b) Papaano at kailan matutupad ang mga kasulatan na bumabanggit sa pagbabalik ni Kristo bilang makikita ng “bawat mata”?

      7 Walang alinlangan, ang pa·rou·siʹa ay hindi literal na makikita ng mga mata ng tao. Kung magkagayon, bakit gugugol si Jesus ng malaking panahon, gaya ng makikita natin, sa pagbibigay sa kaniyang mga tagasunod ng isang tanda na tutulong sa kanila na makilala ang pagkanariritong ito?a Subalit, pagparito ni Kristo upang puksain ang sistema ng sanlibutan ni Satanas, ang katunayan ng kaniyang pagkanaririto ay lubus-lubusang mahahayag sa lahat. Kung magkagayon ay “makikita siya ng bawat mata.” Kahit ang mga kaaway ni Jesus, kasabay ng malaking pagkasindak, ay makahahalata na tunay na nagaganap ang paghahari ni Kristo.​—Tingnan ang Mateo 24:30; 2 Tesalonica 2:8; Apocalipsis 1:5, 6.

  • Ang Pagkanaririto ng Mesiyas at ang Kaniyang Paghahari
    Ang Bantayan—1992 | Oktubre 1
    • a Noong 1864 ay ganito ang pagkasabi rito ng teologong si R. Govett: “Sa akin ito ay waring napakaselan. Ang pagbibigay ng tanda ng Pagkanaririto ay nagpapakita na lihim iyon. Tayo ay hindi nangangailangan ng isang palatandaan upang ipaalam sa atin na naririto ang ating nakikita.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share